Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 4/09 p. 32
  • Gustung-gusto ng mga Bata ang Aklat na Ito!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gustung-gusto ng mga Bata ang Aklat na Ito!
  • Gumising!—2009
Gumising!—2009
g 4/09 p. 32

Gustung-Gusto ng mga Bata ang Aklat na Ito!

◼ Gustung-gusto ng mga bata ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Isang batang babae ang sumulat: “Ang dami ko pong nagustuhan sa aklat. Ang ganda-ganda po ng mga larawan. Makulay ito kaya nakakaakit basahin. Kapag binabasa ko po ang aklat, tinitingnan kong mabuti ang mga larawan at iniisip ko kung ano ang koneksiyon nito sa kuwento!

“Nagustuhan ko rin po ang mga salitang ginamit. Madali itong maintindihan kaya masarap basahin.

“Hangang-hanga po ako sa paraan ng pagtalakay nito sa mga problema sa ngayon at kung paano natin maiiwasan ang mga ito. Gustung-gusto ko po ang mga kabanatang ‘Dapat Nating Labanan ang Tukso,’ ‘Isang Aral sa Pagiging Mabait,’ at ‘Gusto Mo Bang Ikaw Lagi ang Mauna?’”

Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito na may magagandang larawan at 256 na pahinang sinlaki ng magasing ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share