Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 10/09 p. 30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2009
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Batang Maraming Alam na Wika
  • Pornograpya at mga Bata
  • Diborsiyo Bago Kasal?
  • Pinag-aaralang Pagmamahal
  • Tulungan ang mga Anak ng mga Dayuhan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • Pagpapalaki ng mga Anak sa Banyagang Lupain—Ang mga Hamon at mga Gantimpala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Ang Ating mga Anak—Isang Pinakamamahal na Mana
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Pagtatayo ng Isang Pamilyang May Matibay na Espirituwalidad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Gumising!—2009
g 10/09 p. 30

Pagmamasid sa Daigdig

◼ “Mga sangkatlo ng mga kabataang babae sa Estados Unidos ang nabubuntis bago sila maging 20 anyos.”​—CENTERS FOR DISEASE CONTROL AND PREVENTION, E.U.A.

◼ Ayon sa isang pag-aaral sa Estados Unidos, sa 420 lalaki na naging “biktima ng karahasan sa tahanan . . . halos tatlo sa bawat 10 [sa kanila] ang binugbog o inabuso.”​—AMERICAN JOURNAL OF PREVENTIVE MEDICINE.

Batang Maraming Alam na Wika

Natatakot ang maraming magulang na kapag tinuruan nila ng isa pang wika ang kanilang mga anak, mahihirapan ang mga ito na magsalita ng sarili nilang wika. Pero hindi iyan totoo, ang sabi ng isang grupo ng mananaliksik sa pangunguna ng neuroscientist na si Laura-Ann Petitto sa Toronto, Canada. Ayon kay Petitto, handa ang utak ng isa na matuto ng wika, kahit marami pa. Sa paaralan, madalas na mas mahusay ang mga batang nagsasalita ng dalawang wika kaysa sa mga batang nagsasalita ng isang wika lamang. Pero ayon sa Toronto Star, “ang mga magulang mismo ang dapat magturo sa kanilang mga anak ng isa pang wika para makuha ng mga bata ang lahat ng kapakinabangan sa pagsasalita ng dalawang wika.”

Pornograpya at mga Bata

Pabata nang pabata ang mga nakakapanood ng mararahas at pornograpikong video sa Internet. Ayon kay Heinz-Peter Meidinger, tsirman ng German Association of Philologists, kadalasan nang alam ng mga batang lalaki na edad 12 pataas kung paano at kung saan makakahanap ng mga Web site na nagtatampok ng grabeng karahasan at pornograpya. Bagaman mukhang hindi apektado ang mga bata, ang totoo’y masama ang epekto nito sa kanila. Pinapayuhan ni Meidinger ang mga magulang na alamin kung ano ang iniisip ng kanilang anak at ang laman ng computer nito.

Diborsiyo Bago Kasal?

Napakaraming Australiano ang pumipirma sa mga prenuptial agreement na nagsasaad kung ano ang dapat na maging buhay nila kapag mag-asawa na sila, ayon sa report ng Sunday Telegraph sa Sydney. Ang prenuptial agreement ay isang kontrata na nagsasabi kung paano paghahatian ng mag-asawa ang kanilang mga ari-arian sakaling magdiborsiyo sila. Maraming kontrata ngayon ang nagsasaad kung ano ang dapat na maging buhay ng bawat isa para magtagal ang kanilang pagsasama. Maaaring kasama rito kung sino ang magluluto, maglilinis, magmamaneho, o magtatapon ng basura; kung puwedeng mag-alaga ng hayop; at kung ano ang dapat na maging timbang ng bawat isa. Ayon sa abogadong si Christine Jeffress, marami ang “nag-iisip na hindi magtatagal ang kanilang pagsasama.”

Pinag-aaralang Pagmamahal

“Parami nang paraming magulang ang nangangailangan ng manwal kung paano aasikasuhin ang kanilang maliliit na anak, dahil mukhang hindi nila alam kung paano magpakita ng pagmamahal sa kanilang mga anak,” ang sabi ng magasing Newsweek Polska sa Poland. Ultimong simpleng mga bagay gaya ng pagyakap, pakikipaglaro, at pagkanta sa mga bata ay kailangang ituro sa mga magulang. Napakahalaga ng mga ito para lumaking maayos ang mga bata. Pero ipinakikita ng pag-aaral na “sa mga pamilyang Polako, ang panonood ng telebisyon at pagsa-shopping ang pinakamadalas gawin ng mga magulang kasama ng kanilang anak.” Pang-anim lang ang paglalarong magkakasama.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share