Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 1/12 p. 19
  • Ang Shock Absorber na Ulo ng Woodpecker

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Shock Absorber na Ulo ng Woodpecker
  • Gumising!—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Hindi Nababali ng mga Woodpecker ang Kanilang Leeg?
    Gumising!—1994
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2012
  • “Isa Lamang Itong Ibon na Nagsisikap Gumawa ng Ikabubuhay”
    Gumising!—1988
  • Pook ng Bungo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—2012
g 1/12 p. 19

May Nagdisenyo ba Nito?

Ang Shock Absorber na Ulo ng Woodpecker

● Kapag humampas ang ulo mo, ang g-force (puwersa ng grabidad) na 80 hanggang 100 ay puwedeng makapinsala sa iyong utak. Pero nakakaya ng woodpecker ang g-force na mga 1,200 habang binubutas ng tuka nito ang pinakabalat ng puno​—at hindi man lang sumasakit ang ulo nito. Ano kaya ang sekreto ng woodpecker?

Pag-isipan ito: Natuklasan ng mga mananaliksik na may apat na bahagi sa ulo ng woodpecker na nakakatulong para makapag-absorb ito ng shock:

1. Tuka na matibay pero flexible

2. Hyoid​—isang bahaging gawa sa buto at elastic tissue na nakabalot sa bungo

3. Isang bahagi ng bungo na parang foam

4. Kaunting espasyo para sa fluid na nasa pagitan ng bungo at utak

Ang apat na nabanggit ay nakaka-absorb ng shock, anupat puwedeng tukain ng woodpecker ang puno sa bilis na hanggang 22 beses kada segundo nang hindi napipinsala ang utak nito.

Dahil sa natuklasan nila tungkol sa ulo ng woodpecker, ang mga mananaliksik ay nakagawa ng kaha na nakakayanan ang g-force na hanggang 60,000. Dahil diyan, posibleng makaimbento sila ng mga bagay tulad ng mas matibay na aircraft flight recorder, na sa ngayon ay nakatatagal lang sa g-force na hanggang mga 1,000. Ayon kay Kim Blackburn, isang engineer sa Cranfield University sa United Kingdom, ang natuklasan tungkol sa ulo ng woodpecker ay “isang kahanga-hangang halimbawa kung paano nadedebelop ng kalikasan ang napakasalimuot na kombinasyon ng mga istraktura para masolusyonan ang sa tingin ay imposible.”

Ano sa palagay mo? Nagkataon lang ba na mahusay na shock absorber ang ulo ng woodpecker? O may nagdisenyo nito?

[Dayagram sa pahina 19]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

1

2

3

4

[Picture Credit Line sa pahina 19]

Redheaded woodpecker: © 2011 photolibrary.com

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share