“Isang Obra Maestra ang Aklat na Ito”
● Gusto mo bang mabasa ang tungkol sa buhay ni Jesu-Kristo dito sa lupa, pati ang kaniyang magagandang turo at di-malilimutang mga ilustrasyon? Kung oo, hinihimok ka naming basahin ang aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman.
Matapos pag-aralan ang aklat na ito, isang nagpapasalamat na mambabasa ang nagsabi: “Simple lang ang pagkakasulat nito pero itinatawid ang magagandang detalye ng buhay ng ating Panginoon noong narito siya sa lupa; isang obra maestra ang aklat na ito.”
Ang mga kuwento sa aklat na ito ay sinikap na ilahad sa tamang pagkakasunud-sunod. Batay ito sa kinasihang mga akda ng apat na kontemporaryo ni Jesus, ang mga manunulat ng Ebanghelyo na sina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Sina Mateo at Juan ay mga apostol at nakasama ni Jesus sa paglalakbay. Si Marcos ay matalik na kaibigan ni Pedro, na isa sa mga apostol ni Jesus. At ang manggagamot naman na si Lucas ay nakasama sa paglalakbay ng Kristiyanong apostol na si Pablo.
Kung gusto mong magkaroon ng aklat na ito, punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng aklat na ito nang walang obligasyon.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.