Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 7/12 p. 26-27
  • Sino ang Makapagpapabago sa Ating Daigdig?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino ang Makapagpapabago sa Ating Daigdig?
  • Gumising!—2012
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Inaangkin ng Maraming Bansa
  • Ang Itinuturo ng Bibliya
  • Ano ba ang Kaharian ng Diyos?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Kaharian ng Diyos
    Gumising!—2013
  • Ano ang Kaharian ng Diyos?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—2012
g 7/12 p. 26-27

Ang Pangmalas ng Bibliya

Sino ang Makapagpapabago sa Ating Daigdig?

“Ang gusto ng mga tao ay sagot mula sa kanilang mga lider. Ang inaasahan nila ay solusyon, hindi pansamantalang lunas o pagdadahilan.”​—BAN KI-MOON, SECRETARY-GENERAL NG UNITED NATIONS.

NABUBUHAY tayo sa tinatawag ng Bibliya na “mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” (2 Timoteo 3:1) Ang balita ay puro tungkol sa digmaan, terorismo, problema sa ekonomiya, at pagkasira ng kapaligiran.

May pag-asa pa bang bumuti ang mga kalagayan? Kaya bang lutasin ng mga gobyerno ng tao ang mga problema sa daigdig? O kailangan natin ang tulong ng iba?

Ang Inaangkin ng Maraming Bansa

Maraming bansa ang nag-aangking nasa kanila ang suporta ng Diyos. Halimbawa, sinasabi sa Panatang Makabayan ng Estados Unidos ng Amerika na ito’y “isang bansa sa ilalim ng Diyos,” at nakasulat sa mga pera nila ang pananalitang “In God We Trust” (“Sa Diyos Kami Nagtitiwala”).

Siyempre pa, maraming taga-Estados Unidos ang hindi man lang naniniwalang may Diyos​—gaya rin ng maraming tao sa ibang mga bansa na nag-aangking sinusuportahan sila ng Diyos. Kahit ang mga naniniwalang may Diyos ay may iba’t ibang pananaw kung hanggang saan nakikialam ang Diyos sa buhay ng tao.

● Sinasabi ng ilan na ang Diyos ay hindi nakikialam sa mga tao at na pinabayaan na niyang pamahalaan nila ang kanilang sarili.

● Sinasabi naman ng iba na ginagamit ng Diyos ang mga gobyerno ng tao at na maaari niyang pagpalain ang pagsisikap nilang baguhin ang daigdig.

Alin sa dalawa ang pinaniniwalaan mo?

Pag-isipan ito: Kung ang unang pangungusap ang totoo, wala na tayong pag-asa. Kung ang ikalawa naman, ito ang tanong: ‘Ang Diyos ba ay may kinakampihang bansa? Kung may dalawang bansang magdigmaan at pareho silang taimtim na magdasal para manalo, kanino papanig ang Diyos?’ Posible kayang wala siyang kampihan?

Ang Itinuturo ng Bibliya

1. Hindi nilalang ang tao para pamahalaan ang sarili. Sinasabi ng Bibliya: “Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.” (Jeremias 10:23) Ipinakikita ng kasaysayan na totoo ito. Hindi napabuti ng pamamahala ng tao ang mga kalagayan sa daigdig, kahit pa napakaganda ng mga plano at intensiyon ng mga tagapamahala. Sa halip, “ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.”​—Eclesiastes 8:9.

2. Nagmamalasakit ang Diyos sa atin. Alam niya ang kalagayan natin at nagmamalasakit siya sa atin. Kaya naman kikilos siya para tulungan tayo. Paano? Sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian, na “hindi magigiba kailanman.”​—Daniel 2:44.

3. Ang Kaharian ng Diyos ay isang tunay na gobyerno. Ito ang mismong Kaharian na idinadalangin ng milyun-milyon sa dasal na Ama Namin, o Panalangin ng Panginoon. Sa panalanging iyan, hinihiling ng mga tao sa Diyos: “Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” (Mateo 6:10) Pansinin na hindi lang sa langit makikita ang epekto ng Kaharian ng Diyos; pangyayarihin din nitong maganap ang kalooban ng Diyos sa lupa.

4. Sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian, kayang baguhin ng Diyos​—at talagang babaguhin niya​—ang ating daigdig. Kung nag-aalinlangan ka rito, pansinin ang itinuturo ng Bibliya.

● Binigyan ng Diyos ang mga tao ng isang napakagandang pasimula sa mapayapang kapaligiran.​—Genesis 1:27-31.

● Sa kabila ng mga problemang nakikita natin, hindi pa rin nagbabago ang layunin ng Diyos para sa lupa.​—Awit 37:11, 29.

● May ginawa nang mga hakbang ang Diyos para ang lupa​—at ang mga tao​—ay maibalik sa orihinal na kalagayan nito.​—Juan 3:16.

Gusto mo bang matuto nang higit pa tungkol sa Kaharian ng Diyos at kung paano nito babaguhin ang ating daigdig? Ang mga Saksi ni Jehova, ang tagapaglathala ng magasing ito, ay handang tumulong sa iyo. Kapag dumalaw uli sila sa inyong bahay, puwede mong ipakipag-usap sa kanila ang sumusunod na mga paksa.

● Ano ang Kaharian ng Diyos?

● Anong mga pagbabago ang gagawin nito?

● Kailan at paano gagawin ng Kaharian ng Diyos ang mga pagbabagong iyon?

NAPAG-ISIP-ISIP MO NA BA?

● Bakit limitado ang kakayahan ng mga gobyerno ng tao?​—Jeremias 10:23.

● Paano ipinakita ng Diyos na nagmamalasakit siya sa atin?​—Juan 3:16.

● Ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos para sa lupa at sa mga naninirahan dito?​—Awit 37:11, 29.

[Blurb sa pahina 27]

Kaya bang lutasin ng mga gobyerno ng tao ang mga problema sa daigdig? O kailangan natin ang tulong ng iba?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share