Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 8/12 p. 32
  • Kailan Mo Dapat Simulang Turuan ang Anak Mo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kailan Mo Dapat Simulang Turuan ang Anak Mo?
  • Gumising!—2012
Gumising!—2012
g 8/12 p. 32

Kailan Mo Dapat Simulang Turuan ang Anak Mo?

● Isang lalaki sa Summerville, South Carolina, E.U.A., ang sumulat na tatlong buwan pa lang buntis ang asawa niya, binabasahan na niya ito ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya bago matulog. “Nang maipanganak na ang aming sanggol na babae na si Bethiah,” ang sabi ng lalaki, “itinuloy pa rin namin ang rutinang iyon​—isang kuwento bawat gabi, hanggang sa mabasa namin ang aklat nang tatlong beses.”

Sinabi pa niya: “Hindi pa man gaanong nakapagsasalita si Bethiah, kilala na niya ang maraming tauhan sa Bibliya at naiaarte ang ilang kuwentong nasa aklat. Nakabisa rin niya ang ilang kuwento sa Bibliya at kaya niyang ikuwento ang mga iyon.”

Ang 116 na kuwento sa aklat na ito, na may magagandang larawan at malalaking letra, ay nakaayos nang sunud-sunod ayon sa kung kailan nabuhay ang maraming tauhan sa Bibliya, sa gayo’y nabibigyan ng ideya ang mambabasa hinggil sa kronolohiya ng Bibliya. Kung gusto mong tumanggap ng aklat na ito na may 256 na pahina, punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng aklat na ito nang walang obligasyon.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share