Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 3/14 p. 10-11
  • Pagbisita sa El Salvador

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagbisita sa El Salvador
  • Gumising!—2014
Gumising!—2014
g 3/14 p. 10-11
Isang bahagi ng El Salvador

MGA BANSA AT MGA TAO

Pagbisita sa El Salvador

Mapa ng El Salvador

HALOS 500 taon na ang nakalilipas, dumating ang mga Kastila sa tinatawag ngayong El Salvador. Nang panahong iyon, ang tawag ng pangunahing tribo sa teritoryo nilang iyon ay Cuscatlán, na nangangahulugang “Lupain ng Hiyas.” Sa ngayon, karamihan sa mga taga-El Salvador ay nanggaling sa mga katutubong tribo at mga nandayuhan mula sa Europa.

Ang mga taga-El Salvador ay kilaláng masipag at palakaibigan. Mapitagan din sila at magalang. Bago makipag-usap o kapag pumapasok sa trabaho, bumabati muna sila ng, “Buenos días” (magandang umaga) o “Buenas tardes” (magandang hapon). Sa katunayan, sa mga lalawigan at maliliit na bayan ng El Salvador, itinuturing na kawalang-galang ang hindi pagbati sa isang nagdaraan.

Babaing namimitas ng kape

Bahagi na ng kasaysayan ng El Salvador ang pagtatanim ng kape

Isa sa pinakapaboritong pagkain ng mga taga-El Salvador ang pupusa​—tortilyang mais (o bigas) na nilagyan ng keso, beans, at karneng-baboy o iba pang palaman. Ang pupusa ay karaniwang inihahain na may kasamang tomato sauce at curtido​—pinagsama-samang repolyo, karot, sibuyas, at sukang maanghang. Ang ilan ay gumagamit ng kutsilyo’t tinidor kapag kumakain ng pupusa, pero nakaugalian na ng marami na kamayin ito.

Pupusa

Pupusa ang isa sa pinakapopular na pagkain sa El Salvador

Los Tercios Waterfall

Los Tercios Waterfall, Suchitoto

ALAM MO BA? Ang El Salvador ay tinatawag ding lupain ng mga bulkan. Mayroon itong mahigit 20 bulkan, at aktibo pa rin ang ilan dito. Ang tubig ng Los Tercios Waterfall ay bumubuhos sa matataas na kolum ng mga batong nagkorteng eksagonal dahil sa pagputok ng bulkan.

May mahigit 38,000 Saksi ni Jehova sa El Salvador, na bumubuo sa mga 700 kongregasyon. Mga 43,000 ang tinuturuan nila ng Bibliya sa wikang Kastila, Ingles, at Salvadoran Sign Language.

MAIKLING IMPORMASYON

  • Populasyon: 6,267,000

  • Kabisera: San Salvador

  • Opisyal na wika: Kastila

  • Klima: Napakainit sa dalampasigan at sa interyor na kapatagan; katamtaman sa matataas na lugar

  • Lupain: Halos bulubundukin na may gitnang talampas

SUBUKIN ANG IYONG KAALAMAN

Sagutin ng tama o mali.

  1.  Ang El Salvador ang pinakamaliit na bansa sa Sentral Amerika.

  2.  Ang El Salvador ang may pinakamalaking populasyon sa Sentral Amerika.

  3.  Napakaanghang ng karamihan ng pagkain sa El Salvador.

  4.  Bahagi na ng kasaysayan ng El Salvador ang pagtatanim ng kape.

Sagot: Ang A, B, at D ay tama; ang C ay mali. Maraming turista ang nagsasabing di-masyadong maanghang ang pagkain sa El Salvador.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share