Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 9/15 p. 12-13
  • Pagbisita sa Nicaragua

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagbisita sa Nicaragua
  • Gumising!—2015
Gumising!—2015
g 9/15 p. 12-13
Ometepe, isang islang nabuo sa pagitan ng dalawang bulkan sa Lake Nicaragua

Kilaláng bahagi ng Lake Nicaragua ang isla ng Ometepe, isang makapal na kagubatang may dalawang malalaking bulkan na pinagdurugtong ng isang makitid na lupain

MGA BANSA AT MGA TAO

Pagbisita sa Nicaragua

Mapa ng Nicaragua

LUPAIN ng mga lawa at mga bulkan ang karaniwang tawag sa Nicaragua. Makikita rito ang pinakamalaking lawa sa Sentral Amerika—ang Lake Nicaragua. Cocibolca ang tawag dito ng mga katutubong tribo, na ang ibig sabihin ay “Matamis na Dagat.” Mayroon itong daan-daang isla at ito ang nag-iisang tubig-tabang na may mga isdang-dagat na gaya ng mga pating, espada, at buan-buan (tarpon).

Sacuanjoche, ang pambansang bulaklak ng Nicaragua

Sacuanjoche (kalachuchi) ang pambansang bulaklak ng Nicaragua

Makikita rin sa Nicaragua ang isa sa pinakaliblib na rehiyon sa Sentral Amerika—ang Mosquito Coast. Ito ay may habang 65 kilometro at nasa kahabaan ng kalakhan ng silangang baybayin at umaabot hanggang sa kalapít na Honduras. Ang mga Miskito (isa pang baybay ng Mosquito) ay isa sa mga katutubong grupo sa Nicaragua na nakatira rito bago pa dumating ang mga Europeo noong ika-16 na siglo.

Ang mga Miskito ay may malalapít na ugnayan at kakaibang mga kaugalian. Halimbawa, ang wikang Miskito ay walang pormal na katawagang gaya ng “Mister” o “Miss.” Sa mga lalawigan, ang tawag ng mga kabataan sa mga nakatatanda ay “Tiyo” o “Tiya,” kamag-anak man ang mga ito o hindi. May matagal nang kaugalian ang mga Miskito sa pagbati sa malalapít na kaibigan o kamag-anak. Idinidikit ng babae ang kaniyang pisngi sa pisngi ng taong binabati niya, at nilalanghap niya ito.

Mga katutubo sa Nicaragua

Mga katutubo

Literatura sa Bibliya sa wikang Mayangna at Miskito

Literatura sa Bibliya na inilathala ng mga Saksi ni Jehova sa wikang Mayangna at Miskito

MAIKLING IMPORMASYON

  • Populasyon: 6,176,000

  • Opisyal na wika: Kastila. Pero sa mga autonomous region, pare-parehong ginagamit ang Miskito, Mayangna, Rama, at Creole English

  • Pamahalaan: Republika

  • Kabisera: Managua

  • Klima: Kadalasa’y tropikal, pero mas malamig sa kabundukan

  • Lupain: Mga kapatagan malapit sa baybayin, mga bundok sa gitnang bahagi ng bansa

SUBUKIN ANG IYONG KAALAMAN

Sagutin ng tama o mali ang sumusunod na impormasyon tungkol sa Nicaragua:

  1. Ang pangalan ng bansa ay kinuha sa pangalan ni Nicarao, ang lider ng isang katutubong tribo maraming siglo na ang nakararaan.

  2. Nicaragua lang ang bansa sa Latin Amerika na naging kolonya kapuwa ng Espanya at ng Britanya.

  3. Noong nakalipas na mga siglo, ang mga lunsod sa baybayin ng Lake Nicaragua ay sinalakay ng mga pirata mula sa Caribbean.

  4. Nicaragua ang lupaing may pinakakaunting populasyon sa Sentral Amerika.

Sagot: Lahat ay tama.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share