Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g16 Blg. 1 p. 12-13
  • Pagbisita sa Liechtenstein

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagbisita sa Liechtenstein
  • Gumising!—2016
Gumising!—2016
g16 Blg. 1 p. 12-13
Tulay sa isang ilog sa Liechtenstein

MGA BANSA AT MGA TAO

Pagbisita sa Liechtenstein

Mapa ng Liechtenstein na nasa hangganan ng Switzerland at Austria

ITO ay isa sa pinakamaliliit na bansa sa mundo na nasa Alps sa pagitan ng Switzerland at Austria. Sa nakalipas na mga siglo, nanirahan sa rehiyong ito ang mga Celt, Rhaetian, Romano, at Alemanni. Sa ngayon, mga dalawang-katlo sa populasyon ng Liechtenstein ang nagmula sa tribo ng Alemanni, na nanirahan sa rehiyong ito mga 1,500 taon na ang nakararaan.

German ang opisyal na wika sa Liechtenstein, pero nagkakaiba-iba ito sa bawat nayon. Ang dalawa sa karaniwang pagkain sa Liechtenstein ay ang Tüarka-Rebel, isang espesyal na putaheng gawa sa mais, at ang Käsknöpfle, pasta na maraming keso.

Dalawang karaniwang pagkain sa Liechtenstein

Käsknöpfle

Mga taga-Liechtenstein na nakadamit ng makulay na etnikong kasuotan

Makulay na etnikong kasuotan

Makikita ng mga turista sa bansang ito ang mga bundok na nababalutan ng niyebe, mga luntiang libis, ubasan, at iba’t ibang pananim. Halimbawa, makikita sa maliit na bansang ito ang halos 50 uri ng ligáw na orchid. Mayroon ding mga museo, teatro, at gawaan ng alak sa Liechtenstein. Kaya tag-init man o taglamig, dinarayo ito ng mga turista.

Noon pa mang dekada ng 1920, mayroon nang mga Saksi ni Jehova sa Liechtenstein. Mga 90 na sila ngayon na nagtuturo ng Bibliya sa mga tagaroon at sa mga turista.

Ang aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? ay inilalathala ng mga Saksi ni Jehova sa German, ang opisyal na wika sa Liechtenstein, at available online sa www.jw.org.

MAIKLING IMPORMASYON

  • Populasyon: 37,000

  • Kabisera: Vaduz

  • Opisyal na wika: German

  • Relihiyon: Karamiha’y Romano Katoliko

SUBUKIN ANG IYONG KAALAMAN

Alin sa mga ito ang totoo tungkol sa Liechtenstein?

  1. Isa sa dalawang bansa sa mundo na lubusang napalilibutan ng mga estado.

  2. Makikita rito ang mahigit 50 uri ng mamalya.

  3. Makikita rito ang mga 1,600 species ng halaman.

  4. Bansang walang hukbo.

Sagot: Lahat ng ito ay totoo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share