Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g16 Blg. 4 p. 3
  • Kung Paano Makikinabang sa Iyong Nakaugalian

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Makikinabang sa Iyong Nakaugalian
  • Gumising!—2016
  • Kaparehong Materyal
  • Hayaan Mong Makinabang Ka sa Kinaugalian Mo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Introduksiyon
    Gumising!—2016
  • Paghadlang sa Pagbabalik ng Masasamang Kinaugalian
    Gumising!—1991
  • Posible Bang Mapagtagumpayan ang Masasamang Kinagawian?
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—2016
g16 Blg. 4 p. 3
Babaeng nanonood ng TV at kumakain ng junk food

TAMPOK NA PAKSA

Kung Paano Makikinabang sa Iyong Nakaugalian

  • Alarm clock

    NANG tumunog ang alarm clock ni Austin, inaantok pa siya. Pero bumangon siya agad, isinuot ang kaniyang pang-ehersisyo na inihanda niya gabi pa lang, at sandaling nag-jogging—gaya ng ginagawa niya tatlong beses sa isang linggo sa nakalipas na isang taon.

  • Kendi

    Katatapos lang makipag-away ni Laurie sa kaniyang mister. Galít at dismayado, pumunta siya sa kusina, inilabas ang isang bag ng tsokolate, at inubos ito—gaya ng lagi niyang ginagawa kapag nadidismaya siya.

Ano ang pagkakapareho nina Austin at Laurie? Naiisip man nila ito o hindi, pareho silang apektado ng isang puwersa—ang impluwensiya ng nakaugalian.

Kumusta ka naman? May mabubuting kaugalian ba na gusto mong taglayin? Marahil ang tunguhin mo ay mag-ehersisyo nang regular, magkaroon nang sapat na tulog, o maging mas malapít sa iyong mga minamahal.

Sa kabilang banda, baka gusto mong alisin ang pangit na mga nakasanayan mo, gaya ng paninigarilyo, sobrang pagkain ng junk food, o pagbababad sa Internet.

Siyempre pa, mahirap paglabanan ang pangit na mga nakasanayan. Sa katunayan, sinasabing ang mga ito ay tulad ng isang mainit na kama sa malamig na panahon: madaling makasanayan pero mahirap alisin!

Kaya paano mo makokontrol ang iyong nakaugalian at magagawa itong kapaki-pakinabang sa halip na nakapipinsala? Subukan ang sumusunod na tatlong mungkahing nakasalig sa mga prinsipyo, o simulain, sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share