Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g20 Blg. 1 p. 4
  • Ano ang mga Dahilan ng Stress?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang mga Dahilan ng Stress?
  • Gumising!—2020
  • Kaparehong Materyal
  • Kaigtingan—Mga Sanhi at Epekto Nito
    Gumising!—2005
  • Nakabubuting Kaigtingan, Nakasasamang Kaigtingan
    Gumising!—1998
  • Kung Paano Makokontrol ang Stress
    Gumising!—2010
  • Paano Ko Makakayanan ang Stress sa School?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
Iba Pa
Gumising!—2020
g20 Blg. 1 p. 4

MAKAKAYANAN MO ANG STRESS

Ano ang mga Dahilan ng Stress?

“Lumalala ang stress ng karamihan sa mga adulto,” ayon sa kilaláng Mayo Clinic. “Ang buhay ngayon ay punong-puno ng pagbabago at kawalang-katiyakan.” Ito ang ilan sa mga nakadaragdag ng stress:

  • diborsiyo

  • pagkamatay ng mahal sa buhay

  • malubhang sakit

  • aksidente

  • krimen

  • sobrang dami ng gawain

  • sakuna—likas o gawa ng tao

  • pressure sa paaralan o trabaho

  • problema sa pera at trabaho

“ANG KAWALAN NG TRABAHO,”

ayon sa American Psychological Association, “ay sobrang nakapanlulumo, kaya ang mga nawalan ng trabaho ay posibleng magkasakit, magkaproblema sa pagsasama nilang mag-asawa, mabalisa, madepres, at magpakamatay pa nga. Ang kawalan ng trabaho ay nakakaapekto sa buong buhay ng isang tao.”

STRESS SA MGA BATA

Nai-stress din ang mga bata. Ang ilan ay nabu-bully sa paaralan o napapabayaan sa tahanan. Biktima naman ang ilan ng pisikal, emosyonal, o seksuwal na pang-aabuso. Marami ang nai-stress dahil sa exam at grade sa paaralan. May mga nahihirapan dahil sa paghihiwalay ng mga magulang nila. Ang mga batang nai-stress ay posibleng dumanas ng mga bangungot, mabagal matuto, madepres, o may tendensiyang ihiwalay ang sarili. Hindi naman makontrol ng ilan ang kanilang emosyon. Kailangang matulungan agad ang mga batang nai-stress.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share