Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g20 Blg. 3 p. 14-15
  • Isang Permanenteng Solusyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Permanenteng Solusyon
  • Gumising!—2020
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Perpektong Gobyerno
  • 1. Pagtuturo
  • 2. Pagpapagaling
  • 3. Magandang Pamamahala
  • 4. Pagkakaisa
  • Diskriminasyon—Nahawa Ka Na Kaya?
    Gumising!—2020
  • Lahat Nawa Tayo ay Maging Isa Kung Paanong si Jehova at si Jesus ay Iisa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Ang Wakas ng Pagtatangi
    Gumising!—2004
  • Isang Mundo na Walang Pagtatangi—Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Gumising!—2020
g20 Blg. 3 p. 14-15
Nakangiti ang isang grupo ng mga tao na magkakaiba ng edad at pinagmulan.

Isang Permanenteng Solusyon

Sinunod ng milyon-milyon ang mga payo na mababasa sa mga naunang artikulo kaya unti-unti nilang naalis ang diskriminasyon sa kanilang puso. Pero ang totoo, hindi natin kayang lubusang alisin ang diskriminasyon. Ibig bang sabihin, hindi na talaga ito maaalis?

Isang Perpektong Gobyerno

Hindi kayang alisin ng gobyerno ng tao ang diskriminasyon. Pero ibig bang sabihin, walang gobyerno na makakagawa nito?

Para maalis ng isang gobyerno ang diskriminasyon, kailangan nitong

  1. 1. Tulungan ang mga tao na baguhin ang naiisip at nararamdaman nila sa iba.

  2. 2. Pagalingin ang puso ng mga biktima ng diskriminasyon na nahihirapang tratuhin ang iba nang patas.

  3. 3. Magkaroon ng mga lider na patas sa lahat ng tao.

  4. 4. Pagkaisahin ang lahat ng tao sa buong mundo.

Sinasabi ng Bibliya na nagtatag ang Diyos ng ganitong gobyerno. Ito ang “Kaharian ng Diyos.”​—Lucas 4:43.

Ano ang maaasahan natin sa gobyernong iyan?

1. Pagtuturo

“Ang mga nakatira sa lupain ay [matututo] ng katuwiran.”​—ISAIAS 26:9.

“Ang resulta ng tunay na katuwiran ay kapayapaan, at ang bunga ng tunay na katuwiran ay walang-hanggang kapanatagan at katahimikan.”​—ISAIAS 32:17.

Ano ang ibig sabihin nito? Ituturo ng Kaharian ng Diyos sa mga tao kung ano ang tama. Kapag alam ng mga tao kung ano ang tama at mali—patas at di-patas—magbabago ang tingin nila sa kanilang kapuwa. Makikita nila na dapat nilang mahalin ang lahat ng uri ng tao.

2. Pagpapagaling

“Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot. Ang dating mga bagay ay lumipas na.”​—APOCALIPSIS 21:4.

Ano ang ibig sabihin nito? Aalisin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng pagdurusa na epekto ng diskriminasyon. Wala nang dahilan para maghinanakit ang mga naging biktima ng diskriminasyon.

3. Magandang Pamamahala

“Hindi siya hahatol ayon sa nakita ng mga mata niya, at hindi siya sasaway ayon lang sa narinig ng mga tainga niya. Hahatulan niya nang patas ang mga dukha, at sasaway siya nang makatarungan alang-alang sa maaamo sa lupa.”​—ISAIAS 11:3, 4.

Ano ang ibig sabihin nito? Si Jesu-Kristo, ang Hari ng Kaharian ng Diyos sa langit, ay mamamahala nang patas sa buong lupa. Wala siyang pinapanigang bansa, at matitiyak niya na susundin ng lahat ng tao ang kaniyang mga batas.

4. Pagkakaisa

Tinuturuan ng Kaharian ng Diyos ang mga tao na “magkaroon . . . ng iisang kaisipan at pag-ibig sa isa’t isa, na lubusang nagkakaisa at may iisang takbo ng isip.”​—FILIPOS 2:2.

Ano ang ibig sabihin nito? Hindi lang mukhang nagkakaisa ang mga sakop ng Kaharian ng Diyos. ‘Lubusan silang nagkakaisa’ dahil mahal talaga nila ang isa’t isa.

Makatuwiran bang paniwalaan na posible ang ganitong gobyerno?

Oo, pero dapat mo munang suriin ang mga ebidensiya. Paano? May tatlong paraan:

  • Tanungin ang isang Saksi ni Jehova kung bakit siya sigurado na malapit nang tuparin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng pangako sa Bibliya.

  • Bisitahin ang jw.org, at magpunta sa TURO NG BIBLIYA > SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA > KAHARIAN NG DIYOS.

  • Dumalo sa pulong ng mga Saksi ni Jehova para makita ang tunay na pag-ibig at pagkakaisa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share