SEKSIYON 4
Paaralan at Kaeskuwela
Nahihirapan ka bang ipasá ang ilan sa mga subject mo?
□ Oo
□ Hindi
Naranasan mo na bang mapag-initan o mabastos sa paaralan?
□ Oo
□ Hindi
Naeengganyo ka ba kung minsan na gumaya sa di-mabuting paggawi ng iyong mga kaeskuwela?
□ Oo
□ Hindi
‘Kapag kinaya ko ang mga hirap sa paaralan, kaya ko na ang lahat!’ baka sabihin mo sa iyong sarili. Masasabi namang totoo ito. Sa paaralan kasi nasusubok ang kakayahan mong mag-isip, ang tatag ng iyong loob, at tibay ng iyong pananampalataya. Pero paano ka magkakaroon ng magandang edukasyon nang hindi nahahawa sa masamang pag-uugali ng mga kaeskuwela mo? Tutulungan ka ng Kabanata 13-17 sa bagay na ito.
[Buong-pahinang larawan sa pahina 112, 113]