BAHAGI 14
Paano Mo Maipapakitang Tapat Ka kay Jehova?
Manindigan sa panig ng Diyos. 1 Pedro 5:6-9
Iwasan ang mga kaugaliang hindi sinasang-ayunan ng Bibliya. Kailangan ng lakas ng loob para magawa ito.
Huwag makisali sa politika; kay Jehova at sa kaniyang Kaharian lang tayo dapat sumuporta.
Gumawa ng tamang pasiya—makinig sa Diyos. Mateo 7:24, 25
Makisama sa mga Saksi ni Jehova; tutulungan ka nilang maging malapít sa Diyos.
Patuloy na mag-aral tungkol sa Diyos at sikaping sundin ang kaniyang mga utos.
Kapag matibay na ang pananampalataya mo, ialay mo ang iyong buhay kay Jehova at magpabautismo ka.—Mateo 28:19.
Makinig sa Diyos. Basahin ang Bibliya, at magpatulong sa mga Saksi ni Jehova na maunawaan ito. Pagkatapos, gawin ang iyong natutuhan. Kung gagawin mo iyan, mabubuhay ka magpakailanman.—Awit 37:29.