Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rr p. 102-103
  • 9B Bakit 1919?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 9B Bakit 1919?
  • Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • 1919—100 Taon Na ang Nakalipas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Isinilang sa Langit ang Kaharian
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
  • Isang Panahon ng Pagsubok (1914-1918)
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Nakalaya Sila sa Huwad na Relihiyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
Iba Pa
Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
rr p. 102-103
Isang kombensiyon ng mga Estudyante ng Bibliya noong 1919

Ang makasaysayang kombensiyon noong 1919 ay patunay na napalaya na ang bayan ng Diyos mula sa Babilonyang Dakila

KAHON 9B

Bakit 1919?

Bakit natin sinasabi na ang bayan ng Diyos ay nakalaya mula sa pagkabihag sa Babilonyang Dakila noong 1919? Ibinatay iyan sa mga hula sa Bibliya at sa mga pangyayari sa kasaysayan.

Malinaw na ipinapakita ng mga hula sa Bibliya at ng kasaysayan na nagsimulang maghari si Jesus sa langit noong 1914, at iyan ang tanda na nagsimula na ang mga huling araw ng sistemang ito ni Satanas sa lupa. Ano ang ginawa ni Jesus nang maging Hari siya? Pinalaya ba niya agad ang mga lingkod niya sa lupa mula sa Babilonyang Dakila? Inatasan ba niya ang kaniyang “tapat at matalinong alipin” noong 1914 at sinimulan ang malaking gawain ng pag-aani?—Mat. 24:45.

Lumilitaw na hindi. Tandaan, ginabayan si apostol Pedro na isulat na ang paghatol ay “[sisimulan] sa bahay ng Diyos.” (1 Ped. 4:17) Inihula rin ni propeta Malakias na darating si Jehova sa Kaniyang bahay ng pagsamba kasama ang “mensahero ng tipan,” ang Anak ng Diyos. (Mal. 3:1-5) Iyan ay panahon ng pagdadalisay at pagsubok. Katugma ba ng kasaysayan ang mga hulang ito?

Oo! Ang mga taon mula 1914 hanggang sa pasimula ng 1919 ay isang mahirap na panahon ng pagsubok at pagdadalisay sa mga Estudyante ng Bibliya, ang tawag noon sa mga Saksi ni Jehova. Noong 1914, marami sa bayan ng Diyos sa lupa ang nadismaya nang hindi nagwakas ang sistemang ito gaya ng inaasahan nila. Lalong nadismaya ang ilan noong 1916 nang mamatay si Charles T. Russell, na masigasig na nangunguna sa bayan ng Diyos. Ang ilan na sobrang humanga kay Brother Russell ay kumontra sa pangunguna ng pumalit sa kaniya, si Joseph F. Rutherford. Nagkaroon ng kampi-kampihan, at muntik nang mahati ang organisasyon noong 1917. At noong 1918, malinaw na dahil sa panunulsol ng klero, si Brother Rutherford at pito sa mga kasamahan niya ay nilitis, pinatawan ng maling hatol, at ipinakulong. Ipinasara ang punong-tanggapan sa Brooklyn. Malinaw na hindi pa napapalaya ang bayan ng Diyos mula sa Babilonyang Dakila!

Pero ano ang nangyari noong 1919? Biglang nagbago ang mga bagay-bagay! Sa pasimula ng taóng iyon, napalaya si Rutherford at ang mga kasama niya. At itinuloy nila agad ang gawain! Agad na isinaayos ang isang makasaysayang kombensiyon, at sinimulan ang paglalathala ng isang bagong babasahin, ang The Golden Age (ngayon ay Gumising!). Dinisenyo ito para sa mga kampanya sa ministeryo. Nag-atas din sa bawat kongregasyon ng isang tagapangasiwa na mag-oorganisa sa ministeryo at magpapasigla sa pakikibahagi rito. Nang taon ding iyon, inilathala ang Bulletin (ngayon ay Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong) na tutulong para maorganisa ang gawaing pangangaral.

Ano ang nangyari? Malinaw na pinalaya ni Kristo ang mga lingkod niya mula sa Babilonyang Dakila. Inatasan niya ang kaniyang tapat at matalinong alipin. Nagsisimula na ang pag-aani. Mula noong makasaysayang taon ng 1919, sumulong na nang husto ang gawain.

Bumalik sa kabanata 9, parapo 25, 26

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share