Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rr p. 120
  • 10C Tulong Para Muling Makatayo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 10C Tulong Para Muling Makatayo
  • Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • “Mabubuhay Kayo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
  • Tinutulungan Tayo ni Jehova na Magawa ang Ministeryo Natin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • “Ilarawan Mo ang Templo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
  • Aklat ng Bibliya Bilang 26—Ezekiel
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
Iba Pa
Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
rr p. 120
Pagbubulay-bulay sa pag-asang nasa Bibliya

KAHON 10C

Tulong Para Muling Makatayo

MAPAPATIBAY tayo kung bubulay-bulayin natin ang aral mula sa kahanga-hangang pangitaing ito na nakaulat sa Ezekiel 37:1-14, isang aral na magagamit natin sa ating buhay. Ano ito?

Kung minsan, nasasagad na tayo sa dami ng hamon at problema, at parang hindi na natin kaya. Pero mapapatibay tayo kung bubulay-bulayin natin ang malinaw na paglalarawan sa pangitain ni Ezekiel tungkol sa pagbabalik. Bakit? Matututuhan natin sa hulang ito na kung ang Diyos ay may kapangyarihang bumuhay ng mga buto, siguradong mabibigyan din niya tayo ng lakas na kailangan natin para makayanan ang anumang problema—kahit pa parang imposible ito para sa mga tao.​—Basahin ang Awit 18:29; Fil. 4:13.

Maaalaala natin na maraming siglo bago ang panahon ni Ezekiel, sinabi ni propeta Moises na bukod sa may kapangyarihan si Jehova, may pagnanais din siyang gamitin ang lakas niya alang-alang sa kaniyang bayan. Isinulat ni Moises: “Ang Diyos ay kanlungan mula pa nang unang panahon, nakasuporta sa iyo ang walang-hanggang mga bisig niya.” (Deut. 33:27) Kung lalapit tayo sa Diyos na Jehova kapag may problema, siguradong susuportahan niya tayo ng kaniyang mga bisig at dahan-dahan tayong aalalayan para muli tayong makatayo.​—Ezek. 37:10.

Umaawit sa asamblea

Bumalik sa kabanata 10, parapo 15, 16

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share