Pag-uusig
Bakit inaasahan na ng mga Kristiyano na pag-uusigin sila?
Bakit dapat tayong umasa kay Jehova kapag pinag-uusig?
Aw 55:22; 2Co 12:9, 10; 2Ti 4:16-18; Heb 13:6
Halimbawa sa Bibliya:
1Ha 19:1-18—Noong pinag-uusig si propeta Elias, ibinuhos niya kay Jehova ang laman ng puso niya at tumanggap siya ng pampatibay at kaaliwan
Gaw 7:9-15—Pinag-usig si Jose ng mga kapatid niya, pero nanatiling tapat sa kaniya si Jehova, iniligtas siya, at ginamit siya para iligtas ang pamilya niya
Ano ang iba’t ibang uri ng pag-uusig?
Pang-iinsulto o panlalait
2Cr 36:16; Mat 5:11; Gaw 19:9; 1Pe 4:4
Halimbawa sa Bibliya:
2Ha 18:17-35—Ininsulto ng Rabsases na tagapagsalita ng hari ng Asirya si Jehova, at nilait ang mga taga-Jerusalem
Luc 22:63-65; 23:35-37—Si Jesus ay ininsulto at ginawang katatawanan ng mga mang-uusig habang nakabantay sila sa kaniya at habang naghihirap siya sa tulos
Pagsalansang ng pamilya
Pag-aresto at pagdadala sa harap ng mga awtoridad
Pisikal na pananakit
Pang-uumog
Pagpatay
Ano ang dapat gawin ng mga Kristiyano kapag pinag-uusig?
Mat 5:44; Gaw 16:25; 1Co 4:12, 13; 1Pe 2:23
Halimbawa sa Bibliya:
Gaw 7:57–8:1—Kahit noong malapit na siyang mamatay dahil sa pang-uumog, hiniling pa rin ni Esteban sa Diyos na kaawaan ang mga mang-uusig niya, at kasama doon si Saul ng Tarso
Gaw 16:22-34—Pinagpapalo si apostol Pablo at inilagay sa pangawan, pero mabait pa rin siya sa tagapagbilanggo kaya naging mánanampalatayá ito at ang buong sambahayan nito
Ano ang nangyari sa ilang unang-siglong Kristiyano?
Ano ang dapat nating maramdaman kapag pinag-uusig tayo?
Paano tayo napapatibay ng pag-asa natin kapag pinag-uusig?
Bakit hindi tayo dapat mahiya, matakot, o panghinaan ng loob kapag pinag-uusig, at bakit hindi tayo dapat huminto sa paglilingkod kay Jehova?
Aw 56:1-4; Gaw 4:18-20; 2Ti 1:8, 12
Halimbawa sa Bibliya:
2Cr 32:1-22—Noong sasalakay na ang napakalaking hukbo ni Haring Senakerib, umasa kay Jehova ang tapat na si Haring Hezekias at pinatibay ang bayan; pinagpala siya dahil dito
Heb 12:1-3—Gusto ng mga mang-uusig na mapahiya si Jesus, pero hindi niya hinayaang manghina ang loob niya dahil dito
Anong magagandang bagay ang posibleng mangyari dahil sa pag-uusig?
Kapag nagtitiis tayo, napapasaya natin si Jehova at napaparangalan ang pangalan niya
Halimbawa sa Bibliya:
Job 1:6-22; 2:1-10—Hindi alam ni Job na si Satanas ang dahilan ng nararanasan niyang pagsubok, pero nanatili siyang tapat kay Jehova kaya napatunayang sinungaling si Satanas at naluwalhati niya ang Diyos
Dan 1:6, 7; 3:8-30—Mas gugustuhin pa nina Hananias, Misael, at Azarias (Sadrac, Mesac, at Abednego) na mamatay kaysa suwayin si Jehova; dahil dito, si Jehova ay hayagang niluwalhati ng paganong si Haring Nabucodonosor
Nagkakaroon tayo ng iba pang pagkakataong makapagpatotoo
Halimbawa sa Bibliya:
Gaw 11:19-21—Nangalat ang mga Kristiyano dahil sa pag-uusig kaya naipangaral ang mabuting balita sa maraming lugar
Fil 1:12, 13—Natuwa si apostol Pablo dahil nakatulong pa sa ikasusulong ng mabuting balita ang pagkakabilanggo niya
Kapag nagtitiis tayo, napapatibay natin ang mga kapatid
Ano ang kadalasang papel ng mga lider ng relihiyon at politiko sa pag-uusig sa mga lingkod ni Jehova?
Jer 26:11; Mar 3:6; Ju 11:47, 48, 53; Gaw 25:1-3
Halimbawa sa Bibliya:
Gaw 19:24-29—Para sa mga gumagawa ng dambana ni Artemis sa Efeso, banta sa negosyo nila ang mensahe ng mga Kristiyano laban sa idolatriya, kaya pinag-usig nila ang mga ito
Gal 1:13, 14—Bago maging Kristiyano, sobrang sigasig ni Pablo (Saul) sa Judaismo kaya pinag-usig niya ang mga Kristiyano