Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • scl p. 18-20
  • Di-magandang Ugali

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Di-magandang Ugali
  • Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay
Mga Teksto Para sa Kristiyanong Pamumuhay
scl p. 18-20

Di-magandang Ugali

Anong di-magagandang ugali ang dapat iwasan ng mga Kristiyano?

Galit

Aw 37:​8, 9; Kaw 29:22; Col 3:8

Tingnan din ang Kaw 14:17; 15:18

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 37:​18, 19, 23, 24, 31-35—Pinagtulungan si Jose ng mga kapatid niya, ipinagbili bilang alipin, at pinaniwala nila si Jacob na patay na ang pinakamamahal niyang anak

    • Gen 49:​5-7—Hinatulan sina Simeon at Levi dahil nagpadala sila sa matinding galit at naging marahas

    • 1Sa 20:​30-34—Dahil sa sobrang galit, ininsulto ni Haring Saul ang anak niyang si Jonatan at tinangka itong patayin

    • 1Sa 25:​14-17—Sinigawan at ininsulto ni Nabal ang mga tauhan ni David kaya nanganib ang sambahayan niya

Hilig na makipagtalo; palaaway

Kaw 26:20; Fil 2:3; 1Ti 3:​2, 3; Tit 3:2; San 3:​14-16

Tingnan din ang Kaw 15:18; 17:14; 27:15; San 3:​17, 18

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 13:​5-9—Nag-away ang mga pastol ni Abraham at mga pastol ni Lot, pero nakipagpayapaan si Abraham

      Huk 8:​1-3—Nakipag-away ang mga lalaki ng Efraim kay Hukom Gideon, pero dahil sa kapakumbabaan niya, nagkaroon ng kapayapaan

Inggit

Ro 13:9; 1Pe 2:1

Tingnan din ang Gal 5:26; Tit 3:3

Tingnan din ang “Inggit”

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 26:​12-15—Pinagpala ni Jehova ang masipag na si Isaac, at nainggit sa kaniya ang mga Filisteo

    • 1Ha 21:​1-19—Gustong makuha ng masamang haring si Ahab ang ubasan ni Nabot, kaya nagkaroon ng sabuwatan laban kay Nabot, inakusahan siya, at ipinapatay

Kalupitan

Deu 15:​7, 8; Mat 19:8; 1Ju 3:17

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 42:​21-24—Naalala ng mga kapatid ni Jose ang kalupitan nila sa kaniya at pinagsisihan nila ito

    • Mar 3:​1-6—Lungkot na lungkot si Jesus sa kalupitan ng mga Pariseo

Kapangahasan

Tingnan ang “Kapangahasan”

Kasakiman

Tingnan ang “Kasakiman”

Katamaran

Kaw 6:​6-11; Ec 10:18; Ro 12:11

Tingnan din ang Kaw 10:26; 19:15; 26:13

Katigasan ng ulo

Jer 13:10

Tingnan din ang Jer 7:​23-27; Zac 7:​11, 12

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Cr 36:​11-17—Dahil masama at matigas ang ulo ni Haring Zedekias, napahamak ang bayan

    • Gaw 19:​8, 9—Itinigil na ni apostol Pablo ang pangangaral sa mga taong matitigas ang ulo at ayaw makinig sa mensahe ng Kaharian

Kawalang-galang

Tingnan ang “Kawalang-galang”

Matinding hinanakit

1Sa 30:6; Efe 4:31; Col 3:19

Tingnan din ang San 3:14

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Ob 10-14—Hinatulan ang mga Edomita dahil sa matinding hinanakit nila sa mga kapatid nila, ang mga Israelita

Pag-ibig sa pera, materyal na mga bagay

Mat 6:24; 1Ti 6:10; Heb 13:5

Tingnan din ang 1Ju 2:​15, 16

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Job 31:​24-28—Mayaman si Job pero hindi siya naging materyalistiko

    • Mar 10:​17-27—Mas pinili ng mayamang lalaki ang mga pag-aari niya kaysa maging tagasunod ni Jesus

Pagiging di-makatuwiran

Mar 7:​21-23; Efe 5:17

Tingnan din ang 1Pe 2:15

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 8:​10-20—Ayaw makinig ng mga Israelita sa paliwanag ni propeta Samuel kung bakit hindi mabuting magkaroon ng isang taong hari

    • 1Sa 25:​2-13, 34—Dahil naging di-makatuwiran si Nabal at ayaw niyang magbigay ng tulong, muntik nang mapahamak ang sambahayan niya

Pagiging duwag

2Ti 1:7; Apo 21:8

Pagiging mapaghinala at mapagbintang

Job 1:​9-11; 1Ti 6:4

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 18:​6-9; 20:​30-34—Inisip ni Haring Saul na hindi tapat sa kaniya si David at siniraan pa nga niya si David kay Jonatan

Pagkukunwari

Tingnan ang “Pagkukunwari”

Pagmamataas; kayabangan

Tingnan ang “Pagmamataas”

Pagmamatuwid sa sarili

Ec 7:16; Mat 7:​1-5; Ro 14:​4, 10-13

Tingnan din ang Isa 65:5; Luc 6:37

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Mat 12:​1-7—Ibinunyag ni Jesus ang pagmamatuwid sa sarili ng mga Pariseo

    • Luc 18:​9-14—Gumamit si Jesus ng isang ilustrasyon para ipakitang hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang mga mapagmatuwid sa sarili

Pagrerebelde

1Sa 15:23; Jud 4, 8, 10, 11

Tingnan din ang Deu 21:​18-21; Aw 78:​7, 8; Tit 1:10

Poot

Kaw 10:12; Tit 3:3; 1Ju 4:20

Tingnan din ang Bil 35:​19-21; Mat 5:​43, 44

Takot sa tao

Aw 118:6; Kaw 29:25; Mat 10:28

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Bil 13:​25-33—Natakot ang 10 espiyang Israelita, at dahil sa iniulat nila, natakot din ang bayan

    • Mat 26:​69-75—Dahil natakot sa tao si apostol Pedro, tatlong beses niyang ikinaila si Jesus

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share