Pagkamasunurin
Bakit mahalaga ang pagiging masunurin?
Exo 19:5; Deu 10:12, 13; Ec 12:13; San 1:22
Halimbawa sa Bibliya:
1Sa 15:17-23—Sinaway ni propeta Samuel si Haring Saul dahil hindi siya sumunod kay Jehova; pagkatapos, idiniin ni Samuel na mahalaga ang pagsunod
Heb 5:7-10—Perpektong Anak ng Diyos si Jesus; pero natuto siyang maging masunurin sa Ama niya noong pinahirapan siya dito sa lupa
Ano ang dapat gawin ng isang Kristiyano kapag inutusan siya ng isang nasa awtoridad na huwag sundin ang Diyos?
Halimbawa sa Bibliya:
Dan 3:13-18—Hindi yumukod ang tatlong tapat na Hebreo sa imaheng ipinatayo ni Haring Nabucodonosor kahit manganib ang buhay nila
Mat 22:15-22—Ipinaliwanag ni Jesus na ang mga tagasunod niya ay dapat magpasakop sa sekular na awtoridad maliban na lang kung iutos nito na suwayin ang Diyos na Jehova
Gaw 4:18-31—Kahit pinagbawalan ng mga awtoridad na mangaral ang mga apostol, lakas-loob pa rin silang nangaral
Ano ang dapat nating gawin para manatili tayong masunurin kay Jehova?
Deu 6:1-5; Aw 112:1; 1Ju 5:2, 3
Tingnan din ang Aw 119:11, 112; Ro 6:17
Halimbawa sa Bibliya:
Ezr 7:7-10—Inihanda ng tapat na saserdoteng si Ezra ang puso niya para makapagbigay siya ng magandang halimbawa ng pagsunod sa Kautusan ng Diyos at ng pagtuturo nito sa iba
Ju 14:31—Sinabi ni Jesus kung bakit niya ginagawa ang mismong iniuutos ng kaniyang Ama
Ano ang dapat na magpakilos sa atin para sundin si Jehova at si Jesus?
Bakit pagpapakita ng pananampalataya ang pagiging masunurin?
Ro 1:5; 10:16, 17; San 2:20-23
Tingnan din ang Deu 9:23
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 6:9-22; Heb 11:7—Ipinakita ni Noe ang pananampalataya niya nang itayo niya ang arka ayon sa iniutos ni Jehova; “gayong-gayon ang ginawa niya”
Heb 11:8, 9, 17—Ipinakita ni Abraham ang pananampalataya niya nang sundin niya ang mga utos ni Jehova—hindi lang siya umalis sa Ur, handa rin niyang ihandog ang sarili niyang anak
Paano pinagpapala ni Jehova ang mga masunurin?
Halimbawa sa Bibliya:
Lev 26:3-6—Nangako si Jehova na pagpapalain niya at aalagaan ang mga sumusunod sa kaniya
Bil 13:30, 31; 14:22-24—Naging masunurin si Caleb kaya pinagpala siya ni Jehova
Ano ang mangyayari kung hindi tayo masunurin?
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 2:16, 17; 3:17-19—Dahil hindi sinunod nina Adan at Eva ang Diyos na Jehova, pinaalis sila sa Paraiso, naging di-perpekto, at naiwala nila ang buhay na walang hanggan
Deu 18:18, 19; Gaw 3:12, 18, 22, 23—Inihula ni Jehova na magkakaroon ng propetang mas dakila kay Moises at na paparusahan ang mga hindi makikinig sa propetang ito
Jud 6, 7—Nagalit si Jehova sa mga rebeldeng anghel at sa mga taga-Sodoma at Gomorra dahil hindi sila naging masunurin
Bakit dapat nating sundin si Jesu-Kristo?
Halimbawa sa Bibliya:
Ju 12:46-48; 14:24—Sinabi ni Jesus na paparusahan ang mga hindi sumusunod sa mga sinasabi niya
Bakit sinusunod ng mga Kristiyano ang mga tagapangasiwa sa kongregasyon?
Bakit dapat magpasakop ang isang Kristiyanong babae sa asawa niya?
Bakit dapat maging masunurin ang mga anak sa mga magulang nila?
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 37:3, 4, 8, 11-13, 18—Sinunod ng kabataang si Jose ang ama niya at pinuntahan ang mga kapatid niya kahit galit sila sa kaniya
Luc 2:51—Kahit perpekto si Jesus, naging masunurin siya sa kaniyang di-perpektong mga magulang sa lupa na sina Jose at Maria