Bata; Kabataan
Tingin ng Diyos sa mga bata
Paano ipinakita ni Jehova na mahalaga sa kaniya ang mga bata at kabataan?
Deu 6:6, 7; 14:28, 29; Aw 110:3; 127:3-5; 128:3, 4; San 1:27
Tingnan din ang Job 29:12; Aw 27:10; Kaw 17:6
Tingnan din ang “Pamilya”
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 1:27, 28—Gusto ni Jehova na magkaanak ang mga tao at mapunô ang lupa
Gen 9:1—Pagkatapos ng Baha, sinabi ng Diyos kay Noe at sa mga anak niya na mag-anák at punuin ang lupa
Gen 33:5—Para sa tapat na patriyarkang si Jacob, regalo mula sa Diyos ang mga anak niya
Mar 10:13-16—Gaya ng kaniyang Ama, mahal ni Jesus ang mga bata
Ano ang tingin ni Jehova sa mga nang-aabuso sa mga bata?
Anong mga prinsipyo sa Bibliya ang nagpapakitang hindi natin dapat asahan na kikilos gaya ng adulto ang isang bata?
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 33:12-14—Binagalan ni Jacob ang paglalakbay para hindi mahirapan ang mga bata
Dapat bang sisihin ang Diyos dahil nagdurusa ang mga bata sa mundong ito?
Halimbawa sa Bibliya:
Luc 5:18, 20, 23-25—Ipinaliwanag ni Jesus na nagkakasakit tayo dahil sa kasalanan
Ro 5:12—Ipinaliwanag ni apostol Pablo kung bakit tayo nagkakasala at namamatay
Paano tinitiyak ni Jehova na hindi na magdurusa ang mga bata’t matanda?
Kung nagkamali ang mga magulang natin o hindi maganda ang trato nila sa atin, ibig bang sabihin, wala na tayong halaga o uulitin lang din natin ang pagkakamali nila?
Tingnan din ang Deu 30:15, 16
Halimbawa sa Bibliya:
2Ha 18:1-7; 2Cr 28:1-4—Naging mabuti at tapat na hari si Hezekias kahit napakasama ng tatay niya at ipinapatay pa nga ang ilang anak nito
2Ha 21:19-26; 22:1, 2—Naging mahusay na hari si Josias kahit napakasama ng tatay niyang si Amon
1Co 10:11, 12—Sinabi ni apostol Pablo na puwede tayong matuto sa pagkakamali ng iba at maiwasang magawa rin iyon
Fil 2:12, 13—Ipinaalala ni apostol Pablo na nakasalalay sa sarili natin ang ating kaligtasan
Responsibilidad ng mga bata at kabataan
Ano ang tingin ni Jehova sa mga anak na nasa poder pa ng kanilang sumasampalatayang magulang?
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 19:12, 15—Ang isang dahilan kung bakit pinrotektahan ng mga anghel ang mga anak ni Lot ay dahil matuwid ang kanilang ama
Kung may malapít na kaugnayan ang mga magulang sa Diyos, ibig bang sabihin, ganoon na rin ang mga anak nila?
Halimbawa sa Bibliya:
Lev 10:1-3, 8, 9—Hinatulang mamatay ang mga anak ng mataas na saserdoteng si Aaron, posibleng dahil sa paglalasing
1Sa 8:1-5—Matuwid na propeta si Samuel, pero hindi tapat ang mga anak niya
Ano ang dapat gawin ng mga bata kung gusto nilang mapasaya ang Diyos?
Bakit dapat dumalo sa pulong ang mga kabataan?
Deu 31:12, 13; Heb 10:24, 25
Halimbawa sa Bibliya:
Mat 15:32-38—Kasama sa mga tagapakinig ni Jesus ang mga bata
Paano natin nalaman na gusto ni Jehova na sambahin siya ng mga bata?
Halimbawa sa Bibliya:
1Sa 17:4, 8-10, 41, 42, 45-51—Ginamit ni Jehova ang kabataang si David para ipagtanggol ang pangalan Niya; tinalo nito ang isang masamang higante
2Ha 5:1-15—Ginamit ni Jehova ang isang batang babaeng Israelita para makilala ng isang di-Israelitang pinuno ng hukbo ang tunay na Diyos
Mat 21:15, 16—Pinahalagahan ni Jesus ang mga batang nagpakita ng paggalang sa kaniya bilang Mesiyas
Ano ang tingin ni Jehova sa mga anak na may mga di-sumasampalatayang magulang?
Halimbawa sa Bibliya:
Bil 16:25, 26, 32, 33—Nang magrebelde ang ilang lalaki kay propeta Moises at sa mataas na saserdoteng si Aaron, pinarusahan sila ni Jehova, pati na ang mga kapamilya nilang sumuporta sa kanila
Bil 26:10, 11—Pinatay ang rebeldeng si Kora, pero hindi nadamay ang mga anak niya dahil tapat sila sa Diyos
Bakit dapat piliing mabuti ng mga kabataan ang mga kaibigan nila?
Tingnan din ang 2Ti 3:1-5