Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Ang mga Halaman sa Bibliya”
  • Ang mga Halaman sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang mga Halaman sa Bibliya
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Mayabong na Punong Olibo sa Bahay ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Olibo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Maraming-Gamit na Langis ng Olibo
    Gumising!—1992
  • Gintong Likido ng Mediteraneo
    Gumising!—2008
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Ang mga Halaman sa Bibliya”

FEATURE

Ang mga Halaman sa Bibliya

OLIBO, almendras, alcaparra, palmang datiles​—ilan lamang ito sa halos isang daang halaman at punungkahoy na binanggit sa Kasulatan. Ang pagkakaroon natin ng kaalaman tungkol sa mga halaman sa Bibliya ay kapaki-pakinabang yamang nagbibigay-liwanag ito sa kahulugan ng ilang pananalita sa Bibliya.

Kunin nating halimbawa ang punong olibo​—isa sa pinakamahahalagang halaman noong panahon ng Bibliya (tingnan ang larawan sa kanan). Ang magandang punungkahoy na ito, karaniwan ay pilipit, mabuko, at bukul-bukol, ay napakatibay, kadalasan ay nabubuhay nang maraming siglo. Maaga itong binanggit sa Kasulatan. Pagkatapos ng Baha, isang kalapati ang bumalik kay Noe sa arka “at, narito! may isang bagong-kitil na dahon ng olibo sa tuka nito.” Ipinahiwatig nito kay Noe na ang tubig-baha ay kumati na.​—Gen 8:11.

[Larawan sa pahina 543]

Punong Olibo

Tinukoy ng salmista ng Bibliya ang ilang katangian ng punong olibo nang ipangako niya sa mga may-takot kay Jehova: “Ang iyong mga anak ay magiging tulad ng mga sibol ng mga punong olibo sa buong palibot ng iyong mesa.” (Aw 128:1-3) Ang mga pasanga, o mga sibol, na pinutol mula sa isang magulang na punong olibo ay kadalasang ginagamit sa pagpapatubo ng mga bagong puno. Karagdagan pa, ang matatanda nang mga punong olibo ay maaaring magsibol ng mga supang mula sa kanilang mga ugat, anupat waring patuloy silang nabubuhay. Tulad ng gayong mga supang, pinalilibutan ng mga anak ang isang ama, anupat bawat isa ay umaabuloy sa kaligayahan ng pamilya.

Ang punong olibo na isang evergreen ay lalo nang pinahalagahan dahil sa langis nito. Ang langis ng olibo ay isang pangunahing pagkain noon ng mga Israelita at malawakang ginamit bilang kosmetik at bilang panggatong, at ito ay naging isang mahalagang kalakal. Ipinapahid ito sa mga pasa at mga sugat upang mapalambot at mapaginhawa ang mga iyon. (Luc 10:33, 34) Kapag ipinahid sa ulo, ang langis ng olibo ay nakagiginhawa at nakarerepresko rin. Kaya naman pinayuhan ang matatandang lalaki sa kongregasyong Kristiyano na ipanalangin ang taong may-sakit sa espirituwal, sa makasagisag na paraan ay “pinapahiran siya ng langis sa pangalan ni Jehova”​—anupat ginagamit ang Salita ng Diyos upang paginhawahin, ituwid, at aliwin siya.​—San 5:13-15.

[Larawan sa pahina 543]

Malva

[Larawan sa pahina 543]

Kominong Itim

[Larawan sa pahina 543]

Bulaklak ng Alcaparra

[Larawan sa pahina 544]

Ang almendras ay isa sa pinakamaaagang mamulaklak sa mga namumungang puno sa Israel. Ang bunga nito na may nuwes ay espesyal na pagkain

[Larawan sa pahina 544]

Ang mandragoras, na kapamilya ng patatas, ay may bungang manilaw-nilaw at halos sinlaki ng bilog na talong

[Larawan sa pahina 544]

Inihalintulad ng Shulamita ang mga bungkos ng buhok ng kaniyang pastol na mangingibig sa mga kumpol ng datiles

[Larawan sa pahina 544]

Ang papiro, isang halamang pantubig na ginagamit sa paggawa ng papel

[Larawan sa pahina 544]

Ang halamang lino, na ginagamit sa paggawa ng telang lino

[Larawan sa pahina 544]

Isa sa maraming halamang balsamo na naglalabas ng aromatikong langis

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share