Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Ang Panahon ni David”
  • Ang Panahon ni David

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Panahon ni David
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • David
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ahinoam
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Tagapagdala ng Baluti
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Saul
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Ang Panahon ni David”

FEATURE

Ang Panahon ni David

SI David na anak ni Jesse ay isang namumukod-tanging manunugtog, makata, mandirigma, at estadista. Ngunit ang pagiging prominente ni David sa Kasulatan ay pangunahin nang dahil sa kaniyang kaugnayan sa Diyos. Tinawag siya ni Jehova na “isang lalaking kalugud-lugod sa aking puso.”​—Gaw 13:22; 1Sa 13:14.

Pinili ng Diyos si David na maging hari ng Israel sa hinaharap noong ito ay isa pa lamang kabataang pastol. Di-nagtagal, taglay ang lubos na pananalig kay Jehova, buong-tapang na hinarap at pinatay ni David ang higanteng Filisteo na si Goliat, gaya ng ipinakikita sa kanan. Ngunit nanibugho si Haring Saul sa lumalaking popularidad ni David, at napilitan si David na mamuhay bilang takas. Sa loob ng yugtong iyon na punô ng pagsubok, kumatha si David ng maraming madamdaming awit, na maging sa ngayon ay nagdudulot ng kaaliwan sa mga mambabasa ng Bibliya.

Nang maitatag na siya bilang hari, si David ay nakibahagi sa makasaysayang mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa: Ang mga hangganan ng Israel ay isinagad sa ipinangakong kalalagyan ng mga ito. Dinala sa Jerusalem ang kaban ng tipan. Iginuhit ang mga plano para sa isang maluwalhating templo ni Jehova. Natatangi rin ang tipang pangako ng Diyos kay David na magbangon ng isang permanenteng tagapamahala mula sa maharlikang linya nito. (2Sa 7:12-16) Ang tipang ito ay umaakay patungo sa pambuong-daigdig na pamamahala ni Jesu-Kristo.​—Ro 1:3; Luc 1:32.

MGA LOKASYON SA MAPA—Lakip ang Kaugnay na mga Kasulatan

Adulam

1Sa 22:1-5

Betlehem

1Sa 16:1-13, 18, 19

Carmel

1Sa 25:2-42

Elah (Mababang Kapatagan)

1Sa 17:2-52

En-gedi

1Sa 24:1-22

Gat

1Sa 17:4, 52; 21:10-15; 27:2-4

Gibeah

1Sa 22:6-18

Hores

1Sa 23:15-18

Jerusalem

1Sa 17:54

Keila

1Sa 23:1-13

Maon

1Sa 23:24-28; 25:2

Moab

1Sa 22:3, 4

Nob

1Sa 21:1-9; 22:18, 19

Paran (Ilang)

1Sa 25:1

Rama

1Sa 19:18-24; 28:3

Ziklag

1Sa 27:5–28:2; 30:1-8, 26; 2Sa 1:1-16

Zip (Ilang)

1Sa 23:14, 15, 19-24; 26:1-25

[Mapa sa pahina 746]

MAPA: Maagang Bahagi ng Buhay ni David

MGA LOKASYON SA MAPA—Lakip ang Kaugnay na mga Kasulatan

Abel-bet-maaca

2Sa 20:14-22

Ammon

2Sa 10:1-14; 12:26-31

Baale-juda

2Sa 6:2-4

Baal-perazim

1Cr 14:8-12

Bahurim

2Sa 3:13-16; 16:5-13

Betlehem

1Cr 11:16-19

Gat

1Cr 18:1; 20:5-8

Geba

2Sa 5:22-25

Gesur

2Sa 3:3; 13:37, 38

Gezer

2Sa 5:22-25

Gibeon

2Sa 2:12-17; 20:8-10

Gilboa (Bdk.)

1Cr 10:1-6

Hebron

2Sa 2:1-4, 11; 3:2-5, 12, 20-27, 32; 4:8-12; 5:1-5; 15:7-10; 1Cr 12:23-40

Jerusalem

2Sa 5:5-10, 13-16; 11:1–12:14; 15:13-17; 1Cr 15:1–17:27; 21:16-28

Lo-debar

2Sa 9:1-5

Maaca

2Sa 10:6-8

Mahanaim

2Sa 2:8-10; 17:24-29

Moab

1Cr 18:2

Raba

2Sa 11:1, 14-25; 12:26-31

Rogelim

2Sa 19:31, 32

Tekoa

2Sa 14:1-4

Ziklag

2Sa 1:1-16

[Mapa sa pahina 746]

MAPA: Ang Paghahari ni David

[Larawan sa pahina 747]

Ilang ng Juda. Nagtagô si David sa mga yungib at awang sa ganitong lugar upang matakasan si Haring Saul

[Larawan sa pahina 747]

Isang lansangan sa matandang Hebron, ang lunsod kung saan pinahiran ng mga lalaki ng Juda si David bilang hari

[Larawan sa pahina 747]

Lunsod ni David (sa gawing timog ng Temple Mount) gaya ng makikita sa ngayon; mula rito ay naghari si David sa loob ng 33 taon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share