Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Pakikinabang Mula sa Arkeolohiya”
  • Pakikinabang Mula sa Arkeolohiya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pakikinabang Mula sa Arkeolohiya
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Gaano Katapat ang “Matandang Tipan”?
    Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
  • Arkeolohiya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Sargon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Isang Tuklas ng Arkeolohiya na Nagpapatunay na Talagang Nabuhay si Haring David
    Iba Pang Paksa
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Pakikinabang Mula sa Arkeolohiya”

FEATURE

Pakikinabang Mula sa Arkeolohiya

INTERESADO sa arkeolohiya ang mga estudyante ng Bibliya. Bakit? Sapagkat sa maraming pagkakataon, nakatulong ang mga tuklas ng mga arkeologo upang sumulong ang ating unawa tungkol sa buhay noong mga panahon ng Bibliya at sa orihinal na mga wika na ginamit sa pagsulat ng Kasulatan.

Kung minsan ay napatahimik pa nga ng mga tuklas sa arkeolohiya yaong mga bumabatikos sa kawastuan ng ilang mga pangyayari o mga pananalita na binabanggit sa Bibliya. Halimbawa, nagkaroon ba ng Babilonyong hari na nagngangalang Belsasar at ng Asiryanong hari na nagngangalang Sargon? Hanggang noong ika-19 na siglo, tanging sa rekord ng Bibliya masusumpungan ang mga pangalang ito. (Isa 20:1; Dan 5:1) Ngunit nang matuklasan ang palasyo ni Sargon sa Khorsabad at ang ngayo’y bantog na Nabonidus Chronicle, napatunayan na ang mga tagapamahalang ito ay talagang umiral.

Hindi ito nangangahulugan na ang patotoo ng autentisidad ng Bibliya ay nakadepende sa mga tuklas ng arkeolohiya. Sinabi ng arkeologong Israeli na si Yohanan Aharoni: “Pagdating sa pagbibigay ng makasaysayan o kaya’y makasaysayan at heograpikong interpretasyon, ang arkeologo ay lumalabas na sa saklaw ng mga eksaktong siyensiya, at umaasa na lamang sa sariling mga palagay at sa mga paghihinuha upang makabuo ng isang komprehensibong makasaysayang larawan.” Kaya naman sa pagsusuri ng mga arkeologo sa kanilang mga tuklas, kung minsan ay hindi sila sumasang-ayon sa sinasabi ng Bibliya.

Dapat bang pag-alinlanganan ang autentisidad ng Bibliya dahil dito? Hinding-hindi. Ang pananampalatayang nakadepende lamang sa interpretasyon ng mga tuklas sa arkeolohiya ay mabuway. Ang patotoo na kinasihan ng Diyos ang Bibliya ay masusumpungan, hindi sa arkeolohiya, kundi sa Bibliya mismo.

[Larawan sa pahina 959]

Gulod na kinaroroonan ng mga guho ng Bet-sean

[Dayagram sa pahina 959]

DAYAGRAM: Tell el-Husn (Tel Bet Sheʼan)

[Larawan sa pahina 960]

Isang inskripsiyon na kababasahan: “Dito dinala ang mga buto ni Uzias, hari ng Juda. Hindi dapat buksan.” Ito ang palatandaan ng lugar kung saan muling inilibing ang mga buto ng hari, maliwanag na isinagawa noong mga unang siglo C.E.

[Larawan sa pahina 960]

Ang kalendaryong Gezer, pinaniniwalaang mula pa noong ikasampung siglo B.C.E., ay isa sa pinakamatatandang halimbawa ng sinaunang sulat Hebreo

[Larawan sa pahina 960]

Si Sargon II, na ang pag-iral ay matagal nang pinag-aalinlanganan ng mga kritiko, ay kilalang-kilala na ngayon ng mga arkeologo

[Larawan sa pahina 960]

Sa isang pader ng paagusang nagdurugtong sa Bukal ng Gihon at sa Tipunang-tubig ng Siloam (lumilitaw na itinayo ni Haring Hezekias) ay masusumpungan ang inskripsiyong makikita rito na naglalarawan kung paano isinagawa ang proyekto

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share