FEATURE
Ang Maagang Bahagi ng Buhay ni Jesus Bilang Tao
ANG ulat ng Bibliya hinggil sa maagang bahagi ng buhay ni Jesus ay maikli ngunit espesipiko. Ito ay hindi kathang-isip lamang kundi tunay na pangyayari sa kasaysayan. Bumabanggit ito ng mga lugar na mapupuntahan maging sa ngayon—Betlehem, Ehipto, Nazaret, at Jerusalem. Ang mga petsa at paliwanag ng Bibliya hinggil sa mga pangyayari ay nagsasangkot ng prominenteng mga tao gaya nina Cesar Augusto, Gobernador Quirinio, Haring Herodes na Dakila, at Arquelao—na pawang kilala sa sekular na kasaysayan.
Isang larawan ng Betlehem, kung saan ipinanganak si Jesus
Isang iginuhit na larawang nagpapakita ng mga kalagayan noong ipanganak siya
Isang modelo ng palasyo ni Herodes na Dakila, na nakadispley ngayon sa Jerusalem. Sinikap ni Haring Herodes na ipapatay ang batang si Jesus
Baryang bronse na ipinagawa ni Arquelao. Nang mabalitaan ni Jose na si Arquelao ang namamahala sa Judea, pinamayan niya ang kaniyang pamilya sa labas ng nasasakupan ni Arquelao, sa Nazaret
Baryang bronse na ipinagawa ni Herodes na Dakila at may pangalan niya
Isang replika ng lugar ng templo, gaya ng maaaring hitsura nito noong unang siglo sa Jerusalem
Sa edad na 12 taon, si Jesus ay nasa templo sa Jerusalem, nakaupo sa gitna ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila
Bilang isang kabataan sa Nazaret, nagtrabaho si Jesus bilang karpintero sa ilalim ng pangangasiwa ng kaniyang ama-amahan
En Nasira (Nazerat) sa Galilea, ang posibleng lokasyon ng sinaunang Nazaret, kung saan lumaki si Jesus