Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Ang mga Kongregasyon ng Apocalipsis”
  • Ang mga Kongregasyon ng Apocalipsis

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang mga Kongregasyon ng Apocalipsis
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Nagsalita si Kristo sa mga Kongregasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Makinig sa Sinasabi ng Espiritu!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Smirna
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Makinig sa Sinasabi ng Espiritu sa mga Kongregasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Ang mga Kongregasyon ng Apocalipsis”

FEATURE

Ang mga Kongregasyon ng Apocalipsis

[Mapa sa pahina 945]

MAPA: Ang mga Kongregasyon ng Apocalipsis

SA PAGTATAPOS ng unang siglo C.E., ang binuhay-muling si Jesu-Kristo, sa isang nakaaantig na paraan, ay nagpakita ng masidhing interes sa kaniyang mga pinahirang tagasunod na narito pa sa lupa. Paano? Sa pamamagitan ng pagpatnubay niya sa matanda nang apostol na si Juan sa pagsulat nito ng mga liham sa “pitong kongregasyon na nasa distrito ng Asia.” (Apo 1:1-4) Ang mga liham na iyon ay naglalaman ng lubhang kinakailangang pampatibay-loob, payo, at babala.

Sa ngayon, mga guho na lamang ang matatagpuan sa mga lugar ng karamihan sa mga lunsod na dating kinaroroonan ng mga kongregasyong iyon. Ngunit, ang mga guhong ito ay nagbibigay ng katibayan na ang mga isinulat ay tumutukoy sa tunay na mga lugar, aktuwal na mga situwasyon, at mga tao na talagang nabuhay. Gayunman, mas kawili-wiling malaman na itinatawag-pansin ng mga mensaheng ito ang mga kalagayang iiral sa hinaharap sa kongregasyong Kristiyano.

[Larawan sa pahina 945]

Mga guho ng Efeso. Naiwala ng ilang Kristiyano sa materyalistikong lunsod na ito ang pag-ibig kay Jehova na taglay nila noong una

[Larawan sa pahina 945]

Muling-binuong altar para kay Zeus mula sa Pergamo. Ang mga Kristiyano sa Pergamo ay sinubok may kinalaman sa pag-uukol ng bukod-tanging pagsamba kay Jehova

[Larawan sa pahina 946]

Ang Smirna (tinatawag ngayong Izmir). Ang unang mga Kristiyano rito, bagaman itinapon sa bilangguan, ay hinimok na huwag matakot. Yaong mga nasa Filadelfia (na nasa bukana ng isang mahabang libis na pakanluran tungo sa Smirna), bagaman nakapagbata na, ay hinimok din na patuloy na panghawakang mahigpit ang kanilang taglay

[Larawan sa pahina 946]

Ang Tiatira (tinatawag ngayong Akhisar), mga haligi at arko ng isang lansangang may mga kolonada. Ang ilang unang Kristiyano sa Tiatira, bagaman nakikibahagi sa mabubuting gawa, ay may-kamangmangang nasangkot sa imoral na paggawi

[Larawan sa pahina 946]

Ang Sardis, mga guho ng templo ni Artemis. Hindi lahat ng mga Kristiyano rito ay talagang buháy sa espirituwal

[Larawan sa pahina 946]

Ang Laodicea. Ang mga Kristiyano sa lunsod na ito ay sinaway dahil sa pagiging malahininga, tulad ng tubig na pumapasok sa lunsod sa pamamagitan ng paagusan nito

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share