Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Ang Israel sa Ehipto”
  • Ang Israel sa Ehipto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Israel sa Ehipto
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Ehipto, Ehipsiyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Lumipat ang Pamilya sa Ehipto
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Jose
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mula sa Baha Hanggang sa Paglaya sa Ehipto
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Ang Israel sa Ehipto”

FEATURE

Ang Israel sa Ehipto

ANG mga pangyayari sa loob ng yugtong mahigit sa dalawang siglo noong nasa Ehipto ang mga ninuno ng bansang Israel ay isang mahalagang bahagi ng rekord ng Bibliya.

[Larawan sa pahina 535]

Mga laryong hinaluan ng dayami at pinatutuyo sa araw sa Ehipto, gaya noong panahon ng pagkaalipin ng Israel doon (Exo 1:14; 5:7)

Ang anak ni Jacob na si Jose ay ipinagbili sa pagkaalipin at dinala sa Ehipto. (Gen 37:28, 36) Pagkaraan ng ilang taon, dahil sa patnubay ng Diyos, nakilala siya ni Paraon at, bilang administrador ng pagkain, pinagkalooban siya ng awtoridad na pangalawa lamang kay Paraon mismo. (Gen 41:38-45) Ngunit nang maglaon ay bumangon sa Ehipto ang isang bagong hari na hindi nagbigay-galang sa alaala ni Jose at nagpataw pa ng mapaniil na pang-aalipin sa mga supling ni Jacob (Israel). (Exo 1:8-14) Walang anumang sinasabi ang sekular na kasaysayan ng Ehipto tungkol sa lahat ng ito, lakip na ang hinggil sa prominenteng posisyon ni Jose. Nakapagtataka ba iyon?

Ang ganitong di-pagbanggit sa pagiging prominente ni Jose at sa pagkaalipin ng Israel ay hindi kataka-taka sa mga may kabatiran sa mga ulat na nasa mga bantayog ng sinaunang Ehipto. Karaniwan na sa mga tagapamahala o mga eskriba ng relihiyon nang bandang huli ang mag-alis ng mga pangalan mula sa mga mas naunang bantayog, maaaring dahil itinuturing nilang di-kanais-nais ang mga ito o upang patingkarin ang sarili nilang pagiging prominente. Halimbawa, binago ni Haring Horemheb ang mga inskripsiyon upang kunin ang kapurihan para sa gawaing pagtatayo na isinagawa ni Tutankhamen. (LARAWAN, Tomo 1, p. 532) Matatagpuan sa Cairo Museum sa Ehipto at sa Oriental Institute sa University of Chicago ang maraming halimbawa ng gayong pagiging di-tapat.

Kabaligtaran nito, taglay ng rekord ng Bibliya ang bawat tanda ng pagiging totoo. Napakalayong mangyari na aangkinin ng alinmang bansa na ang pinagmulan nito ay matatalunton sa mga alipin sa isang banyagang lupain kung hindi iyon totoo. Ang ulat ng Bibliya may kinalaman sa mga pangyayaring ito ay naglalaman ng napakaraming detalye tungkol sa buhay sa Ehipto na mailalahad lamang ng isa na nanirahan doon. Karagdagan pa, ang Paskuwa ay ipinagdiriwang taun-taon ng mga Judio hanggang sa araw na ito, isang pagdiriwang na ayon sa ulat ng Bibliya ay nagsimula habang ang kanilang mga ninuno ay nasa Ehipto at resulta ng naganap doon. Ang anumang pag-aangkin na naglaho na ang tunay na ulat may kinalaman sa mga bagay na ito at na huwad ang tanging ulat na umiiral ay salungat sa matinong pangangatuwiran.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share