Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Ang Pag-alis Mula sa Ehipto”
  • Ang Pag-alis Mula sa Ehipto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pag-alis Mula sa Ehipto
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Pihahirot
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pag-alis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Baal-zepon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Etham
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Ang Pag-alis Mula sa Ehipto”

FEATURE

Ang Pag-alis Mula sa Ehipto

TINAGUBILINAN ni Jehova si Moises na humarap kay Paraon at sabihin sa pangalan ni Jehova: “Payaunin mo ang aking bayan.” (Exo 5:1) Tumanggi si Paraon. Ayaw niyang mawalan ng isang bansa ng mga alipin. Higit pa riyan, hindi kilala, o kinilala, ni Paraon si Jehova bilang ang tunay na Diyos. (Exo 5:2) Mga diyos ng Ehipto ang sinasamba ni Paraon at itinuturing pa nga niya ang kaniyang sarili bilang isang diyos! Sa gayon ay naitampok ang usapin: Sino ang tunay na Diyos? Sa pamamagitan ng sampung salot ay naglapat si Jehova ng kahatulan “sa lahat ng diyos ng Ehipto,” anupat nagbunga ng pagpapalaya sa Israel at nagbigay ng katibayan na si Jehova ang buháy at tunay na Diyos.​—Exo 12:12.

Bilang isang pangkat, ang Israel ay lumisan mula sa Rameses sa Ehipto noong Nisan 15, 1513 B.C.E. Habang yumayaon ang pulutong patungong silangan, walang alinlangang ang iba ay sumama sa kanila mula sa Gosen. Pagkatapos na makarating sila sa Etham, inutusan sila ni Jehova na “bumalik . . . at magkampo sa harap ng Pihahirot . . . sa tabi ng dagat.” Para sa mga Ehipsiyo, mukhang naliligaw ang bayan. (Exo 13:20; 14:1-3) Sa wari ay nakulong sila sa pagitan ng Dagat na Pula at ng mga bundok. Yamang ang mga karong pandigma ng Ehipto ay nasa likuran nila, tila wala silang malalabasan! Sa ilalim ng gayong mga kalagayan ay iniligtas ni Jehova ang Israel at pinuksa si Paraon at ang hukbo nito. (Exo 14:13-31) Sa gayon, ipinakita ni Jehova ang kaniyang dakilang kapangyarihan at pinangyaring ang ginawa niya para sa Israel ay pag-usapan “sa buong lupa.”​—Exo 9:16; Jos 2:10; 9:9.

MGA LOKASYON SA MAPA—Lakip ang Kaugnay na mga Kasulatan

Etham

Exo 13:20; Bil 33:6

Gosen

Gen 47:27; Exo 8:22

Memfis (?)

Exo 12:30-32

Migdol

Exo 14:2; Bil 33:7

Pihahirot

Exo 14:2, 9

Rameses

Exo 12:37

Dagat na Pula

Exo 14:9, 16, 21-30

Sucot

Exo 12:37; 13:20

[Mapa sa pahina 536]

MAPA: Ang Malamang na Ruta ng Pag-alis ng mga Israelita

Kasalukuyang topograpiya ng ilalim ng Dagat na Pula kung saan maliwanag na tumawid ang Israel. Ilang paghuhukay ang isinagawa upang palalimin ang tsanel, ngunit unti-unti ang paglalim ng pinakasahig ng dagat mula sa magkabilang baybayin. Mula sa isang baybayin hanggang sa kabila, ang distansiya rito ay mga 10 km (6 na mi)

[Mapa sa pahina 537]

MAPA: Ang Pag-alis Mula sa Ehipto, Topograpiya ng Dagat na Pula

[Larawan sa pahina 537]

Ang tanawin sa ibayo ng Dagat na Pula sa malamang na lokasyon kung saan hinawi ni Jehova ang tubig upang makatawid ang Israel sa tuyong lupa

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share