Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Gesur”
  • Gesur

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gesur
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Gesurita, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Amihud
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Talmai
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Maaca
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Gesur”

GESUR

1. Isang kahariang Arameano na ang hanggahan ay ang pook ng Argob sa Basan, sa S ng Ilog Jordan. Ang kalapit nito sa gawing hilaga ay ang Maacat. Bagaman umabot hanggang sa Gesur ang panimulang pananakop ng Israel, ang pook na ito mismo ay hindi nakuha. (Deu 3:14; Jos 12:1, 4, 5; 13:13) Sa Gesur, na kaharian ng kaniyang lolong si Talmai sa panig ng ina, tumakas si Absalom pagkatapos paslangin ang kaniyang kapatid sa ama na si Amnon. Doon ay nanatili siya sa pagkatapon sa loob ng tatlong taon, hanggang ibalik siya sa Jerusalem ni Joab. (2Sa 3:2, 3; 13:28-38; 14:23; 15:8) Nang dakong huli ay kinuha ng Gesur at Sirya ang maraming Israelitang lunsod sa S ng Jordan.​—1Cr 2:23.

2. Ang nasasakupan ng mga Gesurita sa timugang Palestina, malapit sa teritoryong Filisteo. (Jos 13:2; 1Sa 27:7-11) Hindi espesipikong ginamit ang anyong “Gesur” may kinalaman sa dakong ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share