AZMAVET
[Ang Kamatayan ay Malakas].
1. Isa sa magigiting na lalaki ni David na isang Barhumita (Baharumita). (2Sa 23:31; 1Cr 11:33) Posibleng siya rin ang Blg. 2.
2. Ang ama nina Jeziel at Pelet na mula sa tribo ni Benjamin, na mga kabilang sa makapangyarihang mga lalaki na sumama sa mga hukbo ni David sa Ziklag. (1Cr 12:1-3) Posibleng siya rin ang Blg. 1.
3. Isang anak ni Adiel na noong mga araw ni Haring David ay nangasiwa sa mga kayamanan ng hari.—1Cr 27:25.
4. Isang inapo ni Saul at ikaanim sa linya mula rito, sa pamamagitan ni Jonatan.—1Cr 8:33-36; 9:39-42.
5. Isang bayan na nasa loob ng teritoryo ng Benjamin, tinatawag ding Bet-azmavet. Ang mga tapon mula rito ay kabilang sa mga bumalik pagkatapos ng pagkatapon. (Ezr 2:1, 24; Ne 7:28) Noong pasinayaan ang pader ng isinauling Jerusalem, ang bayang ito ang naglaan ng ilan sa mga mang-aawit para sa okasyong iyon. (Ne 12:29) Ipinapalagay na ito ay ang makabagong Hizmeh (Hizma), mga 8 km (5 mi) sa HHS ng Jerusalem, sa pagitan ng Geba at Anatot.