TRANGKA
Isang kagamitan na pansara ng pinto o pintuang-daan upang hindi ito mapasok. (Huk 3:23, 24; Ne 3:3, 6, 13-15) Noong sinaunang mga panahon, ang mga trangka ay kadalasang binubuo ng isang trangkahang kahoy na inilulusot nang patagilid sa isang uka ng isang patayong piraso ng kahoy na nakakabit sa pinto. Upang maitrangka ang pinto, ang trangkahan ay itinutulak nang papasók sa isang ukit sa poste ng pinto at inilalapat nang husto sa pamamagitan ng mga tulos na kahoy o bakal na tumatagos mula sa tukod hanggang sa mga butas ng trangkahan. Upang mabuksan ang pinto, ipinapasok ang isang susi upang maiangat ang mga tulos, sa gayon ay naaalis ang pagkakasara ng trangkahan. Ang ukit, o butas, na pinapasukan ng trangkahan ay tinukoy ng babaing Shulamita nang isalaysay niya ang kaniyang panaginip kung saan isang nakatrangkang pinto ang naglayo sa kaniya at sa kaniyang pastol na mangingibig.—Sol 5:2-5; tingnan ang SUSI, I.