Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Alyansa, Mga Panginoon ng”
  • Alyansa, Mga Panginoon ng

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alyansa, Mga Panginoon ng
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Filistia, Filisteo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Gat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Akis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Almoranas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Alyansa, Mga Panginoon ng”

ALYANSA, MGA PANGINOON NG

[sa Ingles, axis lords].

Lumilitaw na ang salitang Hebreo na sera·nimʹ ay isang salitang hiram mula sa mga Filisteo. (Jos 13:3) Ang mga katinig nito ay katulad niyaong sa salitang Hebreo para sa “mga ehe” sa 1 Hari 7:30. Ito ay isang titulo na ginagamit para sa limang panginoong namahala sa mga Filisteong lunsod ng Gaza, Askelon, Asdod, Ekron, at Gat, maliwanag na dahil magkakasama sila sa isang koalisyon o alyansa. Ayon sa Amos 9:7, ang mga Filisteo ay nakarating sa baybayin ng Canaan mula sa Creta, malapit sa Dagat Aegeano, kung kaya ipinapalagay ng ilan na isa itong salitang Aegeano.

Namuno sa Filistia ang mga panginoon ng alyansa bilang mga tagapamahala ng indibiduwal na mga estadong-lunsod at bilang isang konseho ng magkakapantay na mga pinuno may kinalaman sa mga bagay na nagsasangkot sa kanilang lahat. Si Akis ay tinawag na hari ng Gat. (1Sa 21:10; 27:2) Lumilitaw na hindi siya isang hari sa karaniwang diwa kundi isang prinsipe. Kaya naman kung minsan ay ikinakapit ang titulong “prinsipe” (sa Heb., sar) sa mga tagapamahalang ito.​—1Sa 18:30; 29:2-4.

Malimit na nagtutulungan ang mga opisyal na ito ukol sa isang layunin. Tinipon sila at sinangguni naman nila ang kanilang mga saserdote at mga manghuhula hinggil sa kung ano ang dapat nilang gawin sa nabihag na kaban ng tipan nang ang presensiya nito ay magdulot ng malubhang salot ng almoranas, anupat mismong ang mga panginoon ng alyansa ay naapektuhan. (1Sa 5:9–6:4) Nagtutulungan sila kapag ang kanilang mga hukbo ay umaahon laban sa Israel. (1Sa 7:7) May kinalaman kay Samson, nagtulungan sila upang matalo nila siya. (Huk 16:5) Nagtipon silang lahat sa bahay ng diyos na si Dagon sa Gaza upang ipagdiwang ang pagbihag nila kay Samson, at noong panahong iyon ay namatay ang limang panginoon ng alyansa na nagpupuno noon.​—Huk 16:21-30.

Gayunman, hindi kailanman nagsama-sama ang independiyenteng mga estadong-lunsod na iyon upang bumuo ng isang kaharian sa ilalim ng isang tagapamahala. Sa halip, ang limang pangunahing lunsod kasama ang kanilang mga sakop na bayan ay kumilos na waring isang kompederasyon o alyansa. Kapag gumagawa ng mga pasiyang nagsasangkot sa kanilang lahat, ginagawa ng mga panginoon ng alyansa kung ano ang napagkasunduan ng karamihan. Makikita ito sa kanilang pasiya na huwag pasamahin si David at ang kaniyang mga tauhan sa hukbong Filisteo, bagaman si Akis, ang panginoon ng alyansa na mula sa Gat, na sa kaniya nakitahan si David noong tinutugis ito ni Haring Saul, ay pabor na isama ang hukbo ni David sa kanilang pakikipagbaka laban kay Saul.​—1Sa 29:2, 6, 7, 9.

Sa buong kasaysayan ng Israel, lalo na hanggang noong masupil sila ni David, sila ang mahihigpit na kaaway ng bayan ni Jehova at maraming beses silang nakipag-alyansa sa iba pang mga bansa laban sa Israel, anupat madalas nilang isinasailalim ang Israel sa mapaniil na pamumuno. Nang mapahina ni David ang kanilang kapangyarihan, hindi na sila naging isang malaking banta. Pagkaraan ng panahon ni David, hindi na masusumpungan sa Kasulatan ang terminong “mga panginoon ng alyansa,” ngunit ang terminong “hari” naman ang ginagamit para sa kanilang mga tagapamahala.​—Jer 25:20; Zac 9:5; tingnan ang FILISTIA, MGA FILISTEO.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share