Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Sagradong Haligi”
  • Sagradong Haligi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagradong Haligi
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Haligi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Sagradong Poste
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Haligi
    Glosari
  • Sagradong haligi
    Glosari
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Sagradong Haligi”

SAGRADONG HALIGI

Ang terminong Hebreo na isinasaling “sagradong haligi” ay pangunahin nang tumutukoy sa isang bagay na itinayo o ipinuwesto. Maliwanag na ito’y anyong ari ng lalaki na sagisag ni Baal o, kung minsan, ng ibang huwad na mga diyos. (Exo 23:24; 2Ha 3:2; 10:27) Sa iba’t ibang lugar sa Gitnang Silangan, may natuklasang nakatayong mga batong haligi na hindi malinaw kung bakit itinayo. Ipinahihiwatig ng pagkatuklas sa mga ito kasama ng sinaunang mga kasangkapan na may kaugnayan sa relihiyon na ang mga ito’y mga sagradong haligi. Ang ilan sa mga ito ay di-tabas at may taas na 1.8 m (6 na piye) o mahigit pa.

Bago pumasok sa Lupang Pangako ang mga Israelita, inutusan silang huwag magtindig ng anumang sagradong haligi at tinagubilinan silang wasakin o gibain ang mga sagradong haligi ng mga Canaanita. (Exo 34:13; Lev 26:1; Deu 12:3; 16:22) Ipinakikita nito na ang mga sagradong haliging iyon ay malamang na gawa sa bato. Subalit, sa 2 Hari 10:26, may binabanggit na mga sagradong haligi na sinunog, anupat nagpapahiwatig na gawa sa kahoy ang ibang mga sagradong haligi. Gayunman, sa pangyayaring iyon, maaaring ang tinutukoy ay ang sagradong poste, o Asera.​—Tingnan ang SAGRADONG POSTE.

Ipinagwalang-bahala ng Israel ang malilinaw na babala ng Diyos na ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Napuno ng mga sagradong haligi ang teritoryo ng kaharian ng Juda at ng sampung-tribong kaharian. (1Ha 14:22, 23; 2Ha 17:10) Gayunman, ang mga sagradong haligi ay giniba ng tapat na mga Judeanong hari, gaya nina Asa, Hezekias, at Josias (2Ha 18:4; 23:14; 2Cr 14:3), at nang pawiin ni Jehu ang pagsamba kay Baal mula sa sampung-tribong kaharian, ang sagradong haligi ni Baal ay ibinagsak.​—2Ha 10:27, 28.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share