JETER
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “labis-labis pa; pag-apaw”].
1. Ang biyenan ni Moises na si Jetro ay tinatawag na Jeter sa tekstong Masoretiko sa Exodo 4:18.—Tingnan ang JETRO.
2. Isang inapo ni Juda sa pamamagitan ni Perez. Si Jeter ay namatay na walang mga anak.—1Cr 2:4, 5, 25, 26, 28, 32.
3. Ang unang binanggit na anak ni Ezrah; inapo ni Juda.—1Cr 4:17.
4. Isang inapo ni Aser. (1Cr 7:30, 38) Malamang na siya rin ang Itran sa talata 37; ang mga pangalang ito ay magkahawig na magkahawig sa Hebreo.
5. Ang panganay na anak ni Gideon. Lumilitaw na si Jeter ay sumama sa kaniyang ama sa pagtugis at pagbihag sa Midianitang mga hari na sina Zeba at Zalmuna, ngunit nang utusang patayin ang mga ito, ang kabataang si Jeter ay natakot na hugutin ang kaniyang tabak. (Huk 8:20) Pagkamatay ni Gideon, si Jeter ay pinatay ng kaniyang kapatid sa ama na si Abimelec.—Huk 9:5, 18.
6. Ama ng dating pinuno ng hukbo ni David na si Amasa. (1Ha 2:5, 32) Sa 2 Samuel 17:25 sa tekstong Masoretiko ay tinatawag siyang Itra at sinasabing isa siyang Israelita, ngunit sa 1 Cronica 2:17 ay tinatawag siyang isang Ismaelita, posibleng dahil nanirahan siya nang ilang panahon kasama ng mga Ismaelita.