JEHOSHEBA
[Si Jehova ay Sagana].
Asawa ng mataas na saserdoteng si Jehoiada; anak na babae ni Haring Jehoram ng Juda, bagaman maaaring hindi sa asawa nitong si Athalia. Ang kaniyang pangalan ay binabaybay rin na “Jehosabet.” (2Cr 22:11) Pagkamatay ng kaniyang kapatid (o kapatid sa ama) na si Haring Ahazias, itinago ni Jehosheba ang sanggol na anak ni Ahazias na si Jehoas upang matakasan nito ang pagpatay ni Athalia sa maharlikang mga supling. Pinanatiling nakatago nina Jehoiada at Jehosheba sa kanilang silid sa templo sa loob ng anim na taon ang kanilang pamangkin bago ito inilabas ni Jehoiada upang maiproklama bilang hari. (2Ha 11:1-3; 2Cr 22:10-12) Sa patnubay ng Diyos, ang ikinilos ni Jehosheba, pati na rin ng kaniyang asawa, ay nag-ingat ng maharlikang angkan mula kay David hanggang sa Mesiyas.