BET-LEBAOT
[Bahay ng mga Babaing Leon].
Isang lunsod na nakatalang kabilang sa mga lugar na ibinigay sa tribo ni Simeon bilang mga nakapaloob na lunsod na nasa teritoryo ng Juda. (Jos 19:1, 6) Binanggit ito sa ulat sa pagitan ng Hazar-susa at Saruhen, anupat nagpapahiwatig na ito ay nasa rehiyon ng Negeb, lumilitaw na sa dakong K o TK ng Beer-sheba. Sa Josue 15:32 maliwanag na tinukoy lamang ito bilang Lebaot, samantalang sa 1 Cronica 4:31 ang Bet-lebaot ay pinalitan ng pangalang “Bet-biri.” Ang Bet-biri ay maaaring isang pangalan ng lokasyon ding iyon pagkaraan ng pagkatapon.—Tingnan ang BET-BIRI.