Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Magadan”
  • Magadan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magadan
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Magadan sa Lawa ng Galilea
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Dalmanuta
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mula sa Lawa ng Galilea Papunta sa Rehiyon ng Cesarea Filipos
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Magadan”

MAGADAN

Isang lugar na malapit sa Dagat ng Galilea na pinuntahan ni Jesus pagkatapos niyang makahimalang pakainin ang mga 4,000 lalaki. (Mat 15:39; ang mga manuskrito na mas huli ang petsa ay kababasahan dito ng “Magdala.”) Ayon sa pinakamahuhusay na manuskritong Griego, tinukoy ni Marcos (8:10) ang teritoryo ring ito bilang “Dalmanuta.”​—Tingnan ang DALMANUTA.

Sa ngayon ay walang nalalamang lugar na tinatawag na Magadan sa rehiyong nakapalibot sa Dagat ng Galilea. Gayunman, naniniwala ang ilang iskolar na ang Magadan ay ang Magdala rin. Ang pangmalas na ito ay sinusuportahan ng bagay na sa Aramaiko, madalas halinhan ng titik na l ang n sa mga salitang Hebreo. Kaya ang Magadan ay maaaring nabago at naging Magdala. Iminumungkahi ng iba na marahil ay lumitaw ang “Magdala” sa mas huling mga kopya ng tekstong Griego dahil sa pagsisikap na itumbas ang Magadan sa makabagong Majdal.

Ang Magdala (posibleng ang Magadan) ay itinuturing na makabagong Majdal (Migdal), mga 6 na km (3.5 mi) sa HHK ng Tiberias sa Dagat ng Galilea. Palibhasa’y malapit sa dakong pinagsasalubungan ng daan na bumabagtas sa kahabaan ng Dagat ng Galilea mula sa Tiberias at ng daan na bumababa mula sa kanluraning mga burol, ang lugar na ito ay nasa isang estratehikong posisyon. Ipinahihiwatig ng mga guho ng isang maituturing na makabagong tore na natagpuan doon na ang Majdal ay dating nakabantay sa timugang pasukan na patungo sa Kapatagan ng Genesaret. Ang Majdal at ang Magdala (isang anyo ng Hebreong migh·dalʹ) ay kapuwa nangangahulugang “Tore.” Ang lugar na ito ay madalas na iminumungkahi bilang tahanan ni Maria Magdalena.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share