Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Memucan”
  • Memucan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Memucan
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Carsena
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Meres
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Vasti
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Admata
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Memucan”

MEMUCAN

Ang punong tagapagsalita para sa pitong Medo-Persianong prinsipe noong pagkakataong tumangging sumunod si Vasti kay Haring Ahasuero. (Es 1:13-15) Sa opinyon ni Memucan, ginawan ni Vasti ng mali hindi lamang ang hari kundi maging ang mga prinsipe at ang bayan ng imperyo at dahil dito ay dapat itong alisin bilang reyna, upang sa gayon ay matuto ang lahat ng mga asawang babae sa imperyo na maging masunurin sa kani-kanilang mga asawang lalaki. Sumang-ayon ang hari at ang iba pang prinsipe kay Memucan, at isang batas ng hari hinggil dito ang isinulat kasama ng di-mababagong mga kautusan ng mga Medo at mga Persiano.​—Es 1:16-22.

Ang “pitong prinsipe ng Persia at Media” na ito ay “bihasa sa kautusan at mga usapin sa batas.” Sila ang pinakamalalapit na tagapayo ng hari, anupat “nakaupo sa mga pangunahing dako sa kaharian.” (Es 1:13, 14) Ang bagay na ang hukumang Persiano ay mayroon ngang sanggunian na binubuo ng pitong tagapayo ay pinagtitibay ng Ezra 7:14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share