Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Pag-awat sa Suso”
  • Pag-awat sa Suso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pag-awat sa Suso
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Isaac
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ina
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Eli, I
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Pangangalaga sa mga May Edad—Isang Lumalagong Problema
    Gumising!—1991
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Pag-awat sa Suso”

PAG-AWAT SA SUSO

Ang proseso kung saan ang isang batang sumususo pa sa ina ay sinasanay na kumain sa ibang paraan. Noong sinaunang mga panahon, kadalasang pinasususo ng ina sa kaniyang dibdib ang anak niya sa loob ng ilang panahon, maliban sa ilang kalagayan, halimbawa ay hindi sapat ang kaniyang gatas o namatay siya nang di-inaasahan, anupat kailangang kumuha ng isang yayang babae na magpapasuso sa sanggol. (Exo 2:5-10) Ang pagtigil ng bata sa pagsuso sa dibdib ay isang mahalagang pangyayari sa kaniyang buhay. (Isa 11:8; 28:9) Ang maligayang kaganapang ito ay maaaring ipaghanda ng isang piging gaya ng isinaayos ni Abraham noong awatin sa suso si Isaac.​—Gen 21:8.

Noong mga araw na iyon, mas matagal ang pagpapasuso ng mga babae sa kanilang mga anak kaysa sa ginagawa ngayon sa kalakhang bahagi ng lupa. Nang maawat si Samuel sa suso, nasa hustong gulang na siya upang mailagay sa pangangalaga ng mataas na saserdoteng si Eli at makapaglingkod sa tabernakulo. (1Sa 1:24-28) Malamang na hindi bababa sa tatlong taon ang kaniyang gulang noon, yamang sa gayong edad nagsisimula ang pagpaparehistro ng mga lalaking Levita. (2Cr 31:16) Sa kaniyang aklat na Family, Love and the Bible (London, 1960, p. 175), sinabi ni Raphael Patai tungkol sa mga batang Arabe: “May mga kaso na ang isang bata ay pinasuso hanggang sa ikasampung taon niya.” Ipinakikita ng katibayan na si Isaac ay mga limang taóng gulang noong awatin siya sa suso.​—Tingnan ang ISAAC.

Ang isang batang inawat sa suso, bagaman hindi na naghahanap ng gatas ng kaniyang ina, ay nakasusumpong pa rin ng katiwasayan at kasiyahan sa mga bisig nito. Sa katulad na paraan, pinayapa at pinatahimik ni David ang kaniyang kaluluwa “tulad ng batang kaaawat sa suso sa piling ng kaniyang ina,” at ‘sa kaniya ay naging tulad ng batang kaaawat sa suso’ ang kaniyang kaluluwa. Lumilitaw na napayapa, napatahimik, at nabigyang-kasiyahan ang kaniyang kaluluwa sapagkat hindi siya naghangad ng katanyagan, nagpamalas siya ng kapakumbabaan, umiwas siya sa kapalaluan, at hindi siya lumakad sa mga bagay na napakadakila para sa kaniya. Hinimok niya ang Israel na kumilos sa katulad na paraan, anupat mapagpakumbabang ‘maghintay kay Jehova hanggang sa panahong walang takda.’​—Aw 131:1-3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share