SIN
[שׂ], Shin [שׁ].
Ang ika-21 titik sa alpabetong Hebreo. Ginamit ang titik na ito upang kumatawan sa dalawang tunog, at noong dakong huli, pinag-iba ang mga ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang tuldik. Kapag may isang tuldok sa ibabaw ng kaliwang “sungay” [שׂ], binibigkas ito na “s”; kung ang tuldok naman ay nasa ibabaw ng kanang “sungay” [שׁ], binibigkas ito na “sh.”
Sa Hebreo, ang bawat isa sa walong talata ng Awit 119:161-168 ay nagsisimula sa titik na ito.