Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w11 5/1 p. 3
  • Mga Pangyayari na Umaakay Tungo sa Pag-asa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pangyayari na Umaakay Tungo sa Pag-asa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Ano ang Tanda ng “mga Huling Araw,” o “Katapusan ng Panahon”?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Mga Batang Walang Tahanan—Mayroon Bang Solusyon?
    Gumising!—1990
  • Nakatutulong na Pagtuturo Ukol sa Ating mga Panahong Mapanganib
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
w11 5/1 p. 3

Mga Pangyayari na Umaakay Tungo sa Pag-asa

“Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.”​—2 TIMOTEO 3:1.

MAY nabalitaan ka na ba o nasaksihan sa malulungkot na pangyayaring ito?

● Isang nakamamatay na sakit ang kumitil ng maraming buhay.

● Isang taggutom ang pumatay ng daan-daan katao.

● Isang lindol ang naging sanhi ng kamatayan ng libu-libo at ng pagkawasak ng maraming tahanan.

Sa susunod na mga pahina, tatalakayin ang ilang katotohanan na aakay sa iyo na pag-isipan ang mga pangyayaring gaya nito. Makikita mo rin na inihula sa Bibliya ang ganitong mga pangyayari bilang bahagi ng “mga huling araw.”a

Gayunman, hindi layunin ng mga artikulong ito na kumbinsihin kang nabubuhay na tayo sa isang daigdig na punô ng problema dahil nakikita mo na rin ito mismo. Sa halip, ang mga artikulong ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng pag-asa. Ipakikita nito na ang katuparan ng anim na hula ay nangangahulugang malapit nang magwakas ang “mga huling araw.” Isasaalang-alang din ng seryeng ito ang ilang karaniwang pagtutol sa mga ebidensiya at magbibigay ito ng matibay na dahilan para maniwala kang may magandang bukas na naghihintay sa atin.

[Talababa]

a Para malaman kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang masasamang pangyayaring ito, tingnan ang artikulong “Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Kasamaan at Pagdurusa?” sa pahina 16 at 17 ng isyung ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share