Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w11 5/1 p. 7
  • Hula 4. Walang Likas na Pagmamahal

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hula 4. Walang Likas na Pagmamahal
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Kaparehong Materyal
  • Tulong sa mga Biktima ng Pang-aabuso sa Loob ng Pamilya
    Iba Pang Paksa
  • Bakit Binubugbog ng mga Lalaki ang mga Babae?
    Gumising!—2001
  • Kapag Apektado ng Karahasan ang Tahanan
    Gumising!—1993
  • Anu-ano ang Dahilan ng Karahasan sa Pamilya?
    Gumising!—1993
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
w11 5/1 p. 7

Hula 4. Walang Likas na Pagmamahal

“Ang mga tao ay . . . mawawalan ng likas na pagmamahal sa kanilang pamilya.”​—2 TIMOTEO 3:1-3, God’s Word

● Si Chris ay nagtatrabaho sa isang grupo na tumutulong sa mga biktima ng karahasan sa pamilya sa North Wales. “Naalala ko pa nang dumulog sa amin ang isang babae na dati ko nang nakita. Sa tindi ng pagkakabugbog sa kaniya, hindi ko siya halos nakilala,” ang sabi ni Chris. “Ang ibang babae naman ay dumanas ng matinding pinsala sa emosyon anupat lagi na lang nakatungo.”

ANO ANG IPINAKIKITA NG MGA ULAT? Sa isang bansa sa Aprika, halos 1 sa bawat 3 babae ang hinalay noong bata pa sila. Sa isang surbey na ginawa sa bansa ring iyon, natuklasan na mahigit sangkatlo ng mga lalaki ang nakadaramang okey lang na saktan nila ang kanilang asawa. Pero hindi lang mga kababaihan ang nagiging biktima ng karahasan sa pamilya. Halimbawa, sa Canada, halos 3 sa 10 lalaki ang binubugbog o inaabuso ng kanilang asawa o kinakasama.

ANO ANG KARANIWANG PAGTUTOL? Matagal nang may karahasan sa pamilya. Mas binibigyang-pansin lang ito ngayon.

MAKATUWIRAN BA ANG PAGTUTOL NA IYAN? Sa nakalipas na mga dekada, pinatindi ang kampanya tungkol sa karahasan sa pamilya. Pero nabawasan ba nito ang bilang ng mga insidente ng karahasan sa pamilya? Hindi. Mas laganap ngayon ang kawalan ng likas na pagmamahal.

ANO SA PALAGAY MO? Natutupad ba ang 2 Timoteo 3:1-3? Nawawalan na ba ng likas na pagmamahal ang maraming pamilya?

Sa ikalimang hula na nakikita mong natutupad, apektado ang ating tahanang Lupa. Isaalang-alang ang sinasabi ng Bibliya.

[Blurb sa pahina 7]

“Ang karahasan sa pamilya ay kinikilalang isa sa pinakamadalas na hindi inirereport na krimen sa lipunan. Karaniwan na, ang isang babae ay 35 beses munang daranas ng pananakit ng kaniyang asawa o kinakasama bago magsumbong sa pulis.”​—ISANG TAGAPAGSALITA NG WALES DOMESTIC ABUSE HELPLINE.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share