Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w11 10/1 p. 9
  • Ang Katotohanan—Mababago Nito ang Iyong Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Katotohanan—Mababago Nito ang Iyong Buhay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Kaparehong Materyal
  • Magkasalungat ba ang Pananampalataya at Katuwiran?
    Gumising!—2011
  • Mahalaga Pa Ba Kung Ano ang Totoo?
    Iba Pang Paksa
  • Mga Saksi ni Jehova
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Paano Ko Didibdibin ang Katotohanan?
    Gumising!—1998
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
w11 10/1 p. 9

Ang Katotohanan​—Mababago Nito ang Iyong Buhay

BAKA narinig mo na o itinuro na sa iyo ang isa sa mga kasinungalingan tungkol sa Diyos na ibinunyag sa serye ng mga artikulong ito. Pero baka nag-aatubili ka pa ring baguhin ang iyong mga paniniwala, lalo na kung iyan na ang kinamulatan mo.

Normal lang ang gayong pag-aatubili. Ayaw ng ilang simbahan na paghambingin ang kanilang turo at ang sinasabi ng Bibliya. Pinagtatakpan naman ng iba ang kanilang maling mga turo sa pagsasabing komplikado ang Bibliya at hindi talaga maiintindihan ng lahat. Gayunman, karamihan sa alagad ni Jesus ay karaniwang mga tao lang at walang mataas na pinag-aralan, pero naintindihan nila agad ang kaniyang mga turo.​—Gawa 4:13.

Baka mag-atubili ka ring suriin ang iyong mga paniniwala dahil iniisip mong kawalan iyon ng pananampalataya. Pero makatuwiran bang isipin na magagalit sa iyo ang Diyos kung pag-aaralan mo ang Bibliya, ang kaniyang mensahe sa mga tao, para malaman ang hinihiling niya sa iyo? Sa kabaligtaran, hinihimok ka ng kaniyang Salita na suriin ang Kasulatan: ‘Patunayan mo sa iyong sarili ang mabuti at kaayaaya at sakdal na kalooban ng Diyos.’​—Roma 12:2.

Kapag nag-aral ka ng katotohanan tungkol sa Diyos, hindi lang mahahasa ang isip mo kundi mababago rin nito ang iyong buhay. (Juan 8:32) Si Deanne, na binanggit sa unang artikulo, ay mayroon na ngayong pananampalatayang nakasalig sa Salita ng Diyos. Sinabi niya: “Nalaman kong madali palang maunawaan ang Kasulatan nang pag-aralan ko na ito. Ngayon, kilala ko na si Jehova, hindi lang bilang isang di-nakikitang Diyos, kundi bilang aking maibiging Ama sa langit. Natagpuan ko na ang tunay na layunin ng buhay.”

Baka nag-aral ka na noon ng Bibliya, pero pakiramdam mo ay wala ka namang napakinabangan. Kung gayon, huwag masiraan ng loob. Ang pag-aaral ng Bibliya samantalang naturuan ka ng kasinungalingan tungkol sa Diyos ay parang pagbuo ng puzzle na mali ang ginagaya mong larawan. Baka magtugma ang ilang piraso pero mawawalan ka rin ng gana dahil hindi mo mabuo ang larawan. Sa umpisa pa lang, dapat ay tama ang larawang hawak mo at tiyak na isa-isang magtutugma ang mga piraso ng puzzle.

Gusto mo bang matuto ng katotohanan tungkol sa Diyos? Makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa angkop na adres na nasa pahina 4 ng magasing ito para sa libreng pag-aaral ng Bibliya sa iyong tahanan.

[Blurb sa pahina 9]

‘Patunayan mo sa iyong sarili ang mabuti at kaayaaya at sakdal na kalooban ng Diyos.’​—ROMA 12:2

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share