Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w07 10/1 p. 32
  • “Ano ang Katotohanan?”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ano ang Katotohanan?”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
w07 10/1 p. 32

“Ano ang Katotohanan?”

ITO ang may-panunuyang itinanong kay Jesus ng Romanong gobernador na si Poncio Pilato. Hindi siya interesado sa kasagutan, at hindi rin naman siya sinagot ni Jesus. Marahil para kay Pilato, napakahirap maunawaan ang katotohanan.​—Juan 18:38.

Marami sa ngayon ang may ganito ring negatibong saloobin tungkol sa katotohanan, kasama na ang mga relihiyosong lider, edukador, at mga pulitiko. Naniniwala sila na ang katotohanan​—lalo na ang moral at espirituwal na katotohanan—​ay hindi tiyak kundi relatibo at laging nagbabago. Siyempre pa, nagpapahiwatig ito na puwedeng ang mga tao mismo ang magpasiya kung ano ang tama at ang mali. (Isaias 5:20, 21) Nagpapahiwatig din ito na puwede nang hindi sundin ang pamantayang moral ng nakaraang mga salinlahi dahil lipas na ang mga ito.

Mahalagang pansinin ang pangungusap na nag-udyok kay Pilato na magtanong. Sinabi ni Jesus: “Dahil dito ay ipinanganak ako, at dahil dito ay dumating ako sa sanlibutan, upang ako ay magpatotoo sa katotohanan.” (Juan 18:37) Para kay Jesus, ang katotohanan ay hindi malabo at hindi mahirap maunawaan. Ipinangako niya sa kaniyang mga alagad: “Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.”​—Juan 8:32.

Saan matututuhan ang gayong katotohanan? Minsan ay nanalangin si Jesus sa Diyos: “Ang iyong salita ay katotohanan.” (Juan 17:17) Ang Bibliya, na isinulat sa ilalim ng patnubay ng Diyos, ay nagsisiwalat ng katotohanan na nagbibigay ng maaasahang patnubay at isang tiyak na pag-asa sa hinaharap​—walang-hanggang buhay.​—2 Timoteo 3:15-17.

Dahil hindi interesado, pinalampas ni Pilato ang pagkakataong matutuhan ang gayong katotohanan. Kung ikaw si Pilato, ano ang gagawin mo? Puwede mong tanungin ang mga Saksi ni Jehova kung ano “ang katotohanan” na itinuro ni Jesus. Matutuwa silang ibahagi sa iyo ang katotohanang iyan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share