Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 7/1 p. 3
  • Bakit Mo Dapat Suriin ang Relihiyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Mo Dapat Suriin ang Relihiyon?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Sapat na ba ang Anumang Relihiyon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Malapit Na ang Wakas ng Huwad na Relihiyon!
    Malapit Na ang Wakas ng Huwad na Relihiyon!
  • May Relihiyon Bang Karapat-dapat sa Iyong Pagtitiwala?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Isang Malapitang Pagmamasid sa Relihiyon
    Gumising!—1989
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 7/1 p. 3

TAMPOK NA PAKSA: DAPAT KA BANG MAGTIWALA SA RELIHIYON?

Bakit Mo Dapat Suriin ang Relihiyon?

Ipagpalagay nang kailangan mong magpaopera dahil sa isang nakamamatay na sakit. Tiyak na gusto mong may lubos kang tiwala sa iyong siruhano, yamang ang buhay mo ay nasa kamay niya. Hindi ba isang katalinuhan na alamin ang kaniyang mga karanasan sa pag-oopera?

Sa katulad na paraan, makabubuting maingat na suriin ang relihiyon. Kung kabilang ka sa isang relihiyosong organisasyon, sa diwa, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay nasa kamay nito. Kasama rito ang iyong pag-asang maligtas.

Si Jesus ay nagbigay ng pamantayan para tulungan tayong makatuwirang suriin ang mga relihiyon. Sinabi niya: “Ang bawat punungkahoy ay nakikilala sa sarili nitong bunga.” (Lucas 6:44) Halimbawa, kapag sinusuri mo ang isang partikular na relihiyon o sekta, ano ang mga bunga nito? Ang mga lider ba nito ay mas interesado sa pera kaysa sa mga miyembro nila? Sinusunod ba ng mga miyembro nila ang mga simulain sa Bibliya pagdating sa digmaan at moralidad? Higit sa lahat, may relihiyon bang karapat-dapat sa iyong pagtitiwala? Pakisuyong suriin ang sumusunod na mga artikulo.

“Ang bawat punungkahoy ay nakikilala sa sarili nitong bunga.”​—Lucas 6:44

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share