Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 7/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pantubos—Pinakamahalagang Regalo ng Diyos
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Sino si Jesu-Kristo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Sino si Jesu-Kristo?
    Magandang Balita Mula sa Diyos!
  • Si Jesus ay Nagliligtas—Paano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 7/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Posible ba ang buhay na walang hanggan?

Anong paglalaan ang magpapalaya sa atin sa kamatayan?

Ang unang taong si Adan ay nabuhay nang daan-daang taon. Pero nang maglaon, tumanda siya at namatay. Mula noon, sinubukan na ng mga tao ang iba’t ibang paraan para maiwasan ang pagtanda. Pero wala pang sinuman ang nakatakas sa kamatayan. Bakit? Si Adan ay tumanda at namatay dahil nagkasala siya nang sumuway siya sa Diyos. Tayo ay tumatanda dahil nagmana tayo ng kasalanan kay Adan, pati na ng kabayaran nito, ang kamatayan.​—Basahin ang Genesis 5:5; Roma 5:12.

Para mabuhay nang walang hanggan, kailangan natin ng isa na tutubos sa atin. (Job 33:24, 25) Ang pantubos ay ang halagang ibinabayad para mapalaya ang isa, at sa ating kalagayan, kailangan nating mapalaya mula sa kamatayan. (Exodo 21:29, 30) Binayaran ni Jesus ang halagang iyan nang mamatay siya para sa atin.​—Basahin ang Juan 3:16.

Paano tayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan?

Hindi lahat ay mapalalaya mula sa sakit at pagtanda. Sa katunayan, maiwawala ng mga taong sumusuway sa Diyos, tulad ni Adan, ang pribilehiyong mabuhay. Ang mga tao lamang na pinatawad sa kanilang mga kasalanan ang mabubuhay nang walang hanggan.​—Basahin ang Isaias 33:24; 35:3-6.

Para mapatawad, kailangan nating kumilos. Kailangan nating makilala ang Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral ng kaniyang Salita, ang Bibliya. Itinuturo nito sa atin kung paano magkakaroon ng mas mabuting buhay at kung paano makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at ang buhay na walang hanggan.​—Basahin ang Juan 17:3; Gawa 3:19.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 3 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share