Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Disyembre 27, 2010.
1. Ano ang matututuhan natin mula sa kapahayagan ng papuri ng mga mang-aawit na Levita na nakaulat sa 1 Cronica 16:34? [w02 1/15 p. 11 par. 6-7]
2. Ipinahihiwatig ba ng 1 Cronica 22:8 na mali ang mga pakikidigma ni David, yamang ayaw ni Jehova na siya ang magtayo ng Kaniyang bahay? Ipaliwanag. [it-2-E p. 987 par. 1]
3. Ano ang gusto ni Haring David na madama ng kaniyang anak na si Solomon tungkol sa Diyos? (1 Cro. 28:9) [w08 10/15 p. 7 par. 18]
4. Bakit angkop na gamitin ang larawan ng mga toro bilang pinakapaa ng binubong dagat? (2 Cro. 4:2-4) [w05 12/1 p. 19 par. 3; w98 6/15 p. 16 par. 17]
5. May iba pa bang bagay na inilagay sa kaban ng tipan maliban sa dalawang tapyas na bato? (2 Cro. 5:10) [w06 1/15 p. 31]
6. Ano ang ibig sabihin ni Solomon nang hilingin niya kay Jehova na pakinggan ang mga pamamanhik ng sinumang ‘mananalangin tungo sa bahay na ito’? (2 Cro. 6:21, 32, 33) [it-1-E p. 137 par. 1]
7. Ano ang kahulugan ng pananalitang “tipan ng asin” sa 2 Cronica 13:5? [w05 12/1 p. 20 par. 2; it-2-E p. 842 par. 7]
8. Paano maikakapit sa ating ministeryo ang simulain sa 2 Cronica 17:9, 10? [w09 6/15 p. 12 par. 7]
9. Paano kikilos ang bayan ng Diyos kasuwato ng 2 Cronica 20:17? [w03 6/1 p. 21-22 par. 14-17]
10. Ano ang matututuhan natin sa naging pagkilos ng palalong hari na si Uzias? (2 Cro. 26:15-21) [w99 12/1 p. 26 par. 1-2]