Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Oktubre 31, 2011.
1. Bakit dapat manghawakan sa mga paalaala ni Jehova? (Awit 119:60, 61) [w00 12/1 p. 14 par. 3]
2. Ano ang matututuhan natin sa Awit 133:1-3? [w06 9/1 p. 16 par. 3]
3. Paano “siniyasat” ni Jehova si David at “sinukat” ang kaniyang “paglalakbay” at “paghigang nakaunat”? (Awit 139:1, 3) [w06 9/1 p. 16 par. 6; w93 10/1 p. 11 par. 6]
4. Sa anong uri ng mga problema ‘inaalalayan’ o ‘ibinabangon’ ni Jehova ang kaniyang mga lingkod? (Awit 145:14) [w04 1/15 p. 17 par. 11]
5. Dahil sa anong paggawi kung kaya ang taong binabanggit sa Kawikaan 6:12-14 ay tinatawag na walang-kabuluhang tao? [w00 9/15 p. 26 par. 6–p. 27 par. 1]
6. Bakit ‘tumatanggap ng mga utos’ ang taong matalino? (Kaw. 10:8) [w01 7/15 p. 26 par. 1]
7. Paano tumutugon ang matalino at ang mangmang sa mga insulto o di-makatuwirang mga puna? (Kaw. 12:16) [w03 3/15 p. 27 par. 4-5]
8. Paano tayo posibleng “laging may piging” dahil sa pagkakaroon ng positibong saloobin? (Kaw. 15:15) [w06 7/1 p. 16 par. 6]
9. Paano “nagtatamo ng puso” ang isa, at sa anong diwa siya “umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa”? (Kaw. 19:8) [w99 7/1 p. 18 par. 4; it-2 p. 994 par. 2]
10. Paano makatutulong sa sambahayan ang kaunawaan? (Kaw. 24:3) [w06 9/15 p. 27 par. 11; be p. 31 par. 6]