Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa linggo ng Agosto 27, 2012. Isinama na rito ang petsa kung kailan tatalakayin ang bawat punto.
1. Saan kumakatawan ang pangitain ni Ezekiel tungkol sa apostatang Juda at anong mahalagang aral ang itinuturo nito sa atin? (Ezek. 8:15-17) [Hul. 2, w07 7/1 p. 13 par. 6; w93 1/15 p. 27-28 par. 7, 12]
2. Paano tinutularan ng karamihan sa mga lider ng relihiyon ang mga bulaang propeta noong panahon ni Ezekiel? (Ezek. 13:3, 7) [Hul. 9, w99 10/1 p. 13 par. 14-15]
3. Sa hula sa Ezekiel 17:22-24, sino ang “isa na murà,” ano ang “mataas at matayog na bundok” kung saan siya inilipat, at paano siya magiging “isang maringal na sedro”? [Hul. 16, w07 7/1 p. 12-13 par. 6]
4. Ayon sa kasabihang binabanggit sa Ezekiel 18:2, sino ang sinisisi ng mga kasamahang bihag ni Ezekiel sa kanilang pagdurusa, at anong mahalagang aral ang matututuhan natin mula rito? [Hul. 23, w88 9/15 p. 18 par. 10]
5. Paano ipinakikita ng pangyayaring nakaulat sa Ezekiel 21:18-22 na hindi mababago ng mga tao o ng mga demonyo ang layunin ni Jehova? [Hul. 30, w07 7/1 p. 14 par. 4]
6. Gaya ng nakaulat sa Ezekiel 24:6, 11, 12, ano ang inilalarawan ng kalawang sa loob ng palayok, at anong simulain ang nasa talata 14? [Agos. 6, w07 7/1 p. 14 par. 2]
7. Paano natupad ang hula laban sa lunsod ng Tiro? [Agos. 6, it-1 p. 85, kahon; si p. 133 par. 4]
8. Anong mga pananalita sa Ezekiel 28:2, 12-17 ang kapit kapuwa sa “hari ng Tiro” at sa orihinal na traidor, si Satanas? [Agos. 13, w05 10/15 p. 23-24 par. 10-14; it-2 p. 8 par. 1-2]
9. Kailan naging tiwangwang ang Ehipto sa loob ng 40 taon, at bakit tayo makapaniniwalang nangyari ito? (Ezek. 29:8-12) [Agos. 13, w07 8/1 p. 8 par. 5]
10. Ano ang naging reaksiyon ni Ezekiel sa pagwawalang-bahala, panlilibak, at kawalan ng pagtugon ng mga tao, at paano siya pinatibay ni Jehova? (Ezek. 33:31-33) [Agos. 20, w91 3/15 p. 17 par. 16-17]