Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Hunyo 24, 2013. Isinama ang petsa kung kailan tatalakayin sa paaralan ang bawat punto upang magamit sa pagsasaliksik kapag naghahanda bawat linggo.
1. Ano ang ibig sabihin ng pananalita ni Jesus sa Juan 3:14, 15: “Kung paanong itinaas ni Moises ang serpiyente sa ilang, gayundin kinakailangang itaas ang Anak ng tao”? [Mayo 6, it-2 p. 1270-1271]
2. Kailan tatanggap ang mga tagasunod ni Kristo ng buhay sa kanilang sarili, o magtatamo ng kalubusan ng buhay? (Juan 6:53) [Mayo 13, w03 9/15 p. 31 par. 3]
3. Sa ano maihahalintulad ang pagpapakilala ni Jesus sa kaniyang Ama sa di-sakdal na mga tao? (Juan 8:28) [Mayo 20, w11 4/1 p. 7 par. 2]
4. Ano ang matututuhan natin sa ‘pagluha’ ni Jesus nang mamatay ang kaibigan niyang si Lazaro? (Juan 11:35) [Mayo 20, w08 5/1 p. 24 par. 3-5]
5. Anong mapuwersang aral ang itinuro ni Jesus nang hugasan niya ang mga paa ng kaniyang mga alagad? (Juan 13:4, 5) [Mayo 27, w99 3/1 p. 31 par. 1]
6. Paano magsisilbing patnubay sa atin ang espiritu ng Diyos? (Juan 14:26) [Mayo 27, w11 12/15 p. 14-15 par. 9]
7. Sa Juan 21:15, ano ang tinutukoy na “mga ito,” at anong aral ang matututuhan natin? [Hun. 3, w08 4/15 p. 32 par. 11]
8. Batay sa Gawa 2:44-47 at Gawa 4:34, 35, anong espiritu ang magandang tularan ng mga Kristiyano? [Hun. 10, w08 5/15 p. 30 par. 5]
9. Kay Jesus ba nanalangin si Esteban sa ulat ng Gawa 7:59? [Hun. 17, w08 5/15 p. 31 par. 3]
10. Paano natin matutularan ang mabuting halimbawa ni Bernabe, at ano ang mga pakinabang natin sa paggawa nito? (Gawa 9:26, 27) [Hun. 24, bt p. 65 par. 19]