Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Disyembre 29, 2014.
Ano ang dapat nating maging pangmalas sa utos sa Deuteronomio 14:1 tungkol sa pagbabawal sa paghiwa sa sarili sa panahon ng pagdadalamhati para sa patay? [Nob. 3, w04 9/15 p. 27 par. 5]
Ano ang layunin ng utos sa mga hari ng Israel na gumawa ng kopya ng Kautusan ng Diyos at ‘basahin iyon sa lahat ng mga araw ng kanilang buhay’? (Deut. 17:18-20) [Nob. 3, w02 6/15 p. 12 par. 4]
Bakit ipinag-utos na “huwag kang mag-aararo na isang toro at isang asno ang magkasama,” at paano kumakapit sa mga Kristiyano ang utos na huwag makipamatok nang kabilan? (Deut. 22:10) [Nob. 10, w03 10/15 p. 32]
Bakit ipinagbabawal ang pag-agaw sa “isang gilingang pangkamay o sa pang-ibabaw na batong panggiling nito bilang panagot”? (Deut. 24:6) [Nob. 17, w04 9/15 p. 26 par. 3]
Ano ang dapat na maging saloobin ng mga Israelita sa kanilang pagsunod sa Diyos, at ano ang dapat mag-udyok sa atin na maglingkod kay Jehova? (Deut. 28:47) [Nob. 24, w10 9/15 p. 8 par. 4]
Ayon sa Deuteronomio 30:19, 20, ano ang tatlong pangunahing kahilingan para magtamo ng buhay? [Nob. 24, w10 2/15 p. 28 par. 17]
Kailangan ba nating basahin nang pabulong ang bawat salita mula Genesis hanggang Apocalipsis? Ipaliwanag. (Jos. 1:8) [Dis. 8, w13 4/15 p. 7 par. 4]
Sino ang “prinsipe ng hukbo ni Jehova” na binabanggit sa Josue 5:14, 15, at paano tayo pinatitibay ng ulat na ito? [Dis. 8, w04 12/1 p. 9 par. 2]
Ano ang umakay kay Acan na magkasala, at ano ang matututuhan natin sa kaniyang masamang halimbawa? (Jos. 7:20, 21) [Dis. 15, w10 4/15 p. 20-21 par. 2, 5]
Paano tayo napatitibay ng halimbawa ni Caleb? (Jos. 14:10-13) [Dis. 29, w04 12/1 p. 12 par. 2]